Attitude problem, maaaring maging sanhi ng pagkatanggal sa trabaho
- BULGAR
- May 31, 2023
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 31, 2023
Dear Chief Acosta,
Ako ay nagmamay-ari ng isang maliit na patahian. Lima lamang ang aking empleyado, ngunit may isa akong empleyado na hindi makasundo ng lahat dahil sa kanyang ugali.
Maaari bang tanggalin ang isang empleyado dahil sa attitude problem? – Salvacion
Dear Salvacion,
Para sa iyong kaalaman, ang iyong katanungan ay tinalakay sa Heavylift Manila et al., vs Court of Appeals, et al. (G.R. No. 154410, October 20, 2005), na isinulat ni Kagalang-galang na Dating Mahistrado Leonardo A. Quisumbing ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema, kung saan tinalakay ang mga sumusunod:
“An employee who cannot get along with his co-employees is detrimental to the company for he can upset and strain the working environment. Without the necessary teamwork and synergy, the organization cannot function well. Thus, management has the prerogative to take the necessary action to correct the situation and protect its organization. When personal differences between employees and management affect the work environment, the peace of the company is affected. Thus, an employee’s attitude problem is a valid ground for his termination.”
Ayon sa batas, ang attitude problem ng isang empleyado ay maaaring maging sanhi ng kanyang pagkatanggal sa trabaho, lalo na at ito ay nakakaapekto sa trabaho at negosyo.
Subalit, ayon sa JR Hauling Services vs Solamo, et al., (G.R. No. 214294, 30 September 2020), sinabi rin ni Kagalang-galang na Mahistrado Ramon Paul Hernando ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema na:
“It is a situation analogous to loss of trust and confidence that must be duly proved by the employer. Since the burden to prove an employee’s attitude problem rests on the employer, allegations of attitude problem must be supported by substantial evidence, which is defined as “such relevant evidence as a reasonable mind might accept as adequate to support a conclusion.
Sinasabi rito na ang employer ang may pasanin na patunayan ang kanyang alegasyon. Sa iyong sitwasyon, dapat mong mapatunayan na ang sinasabing empleyado ay sadyang may attitude problem.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.








Comments