top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Atras! VILMA, AMINADONG WA’ PA ‘K’ MAG-VP

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 11, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 11, 2021



Hindi lang sa pagka-senador nararapat ang Star for All Seasons na si Congw. Vilma Santos-Recto. Ito ang paniniwala ng kanyang mga diehard supporters na nakasubaybay sa kanyang political career. Kahit na sa pagka-VP ay kakayanin na raw niya at malaki ang laban niya sa ibang makakalaban sa posisyon.


Pag-amin naman ni Congw. Vilma, kahit nu’ng governor pa lang siya ng Batangas ay marami na ang kumukumbinse sa kanya na tumakbong VP. Pero, magalang niya itong tinanggihan dahil para sa kanya ay hindi pa ganu’n kalawak ang kanyang kaalaman sa pulitika.


Ayaw niyang tumanggap ng posisyon na wala siyang sapat na kaalaman. Hindi niya gustong manalo dahil lang sa isa siyang sikat na artista. Ayaw ni Congw. Vilma na madaliin ang lahat. Alam niya na may tamang panahon sa bawat goal na gusto nating marating. Kaya, tinapos muna ng Star for All Seasons ang kanyang tatlong term bilang gobernador ng Batangas. At ngayon ay isa na siyang congresswoman.


Matunog ang balitang sasabak na si Ate Vi sa pagka-senador sa darating na 2022 elections. Pinag-aagawan na siya ng iba’t ibang partido. Malakas pa rin ang hatak niya sa tao kaya tiyak na lulusot siya.


Kaya ang final answer ni Congw. Vilma Santos Recto, hindi siya kakandidatong vice- president!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page