top of page

Atras mag-mayor, nag-cong. na lang… DIREK LINO, NAGPAUBAYA NA SA MISIS NI SEN. ALAN, KALABAN PA RIN ANG SINUPORTAHAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 19
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Feb. 19, 2025



Photo: Direk Lino Cayetano via Bulgar


Marami ang nalulungkot sa pinagdaraanang family conflict ngayon ng direktor/producer na si Lito Cayetano dahil sa kanyang pagtakbo bilang representative ng Taguig ngayong 2025 elections.


Humarap si Direk Lino sa entertainment press last Monday sa isang mediacon sponsored by Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde.


Ayon kay Lino, parang telenovela raw ang pinagdaraanan niya ngayon dahil sa problema nila ng pamilya na ibang kandidato ang sinusuportahan ng kanyang kuya na si Sen. Alan Peter Cayetano at misis nitong si Taguig Mayor Lani Cayetano.


Aniya, “Parang telenovela ‘yung pinagdaraanan namin kahit papaano nu’ng wife ko, kasi as you probably know, ‘yung kuya ko, si Kuya Alan, and his wife, Mayor Lani is supporting another candidate. Na okey lang sa ‘kin, pero s’yempre, there are challenges sa family.”


Patuloy niya, “Nu’ng mayor po ako ng tatlong taon, I decided not to run for reelection para magbigay-daan kay Mayor Lani. So, kinausap ako ni Kuya Alan, gusto raw tumakbo ng asawa n’ya, and para ‘di na magulo, para ‘di na magkaroon ng away o kung anuman, on my own, I stepped aside, Mayor Lani ran.”


Ngayong 2025 elections ay nagdesisyon siyang tumakbong muli bilang mayor at sinabi niya ito sa kanyang pamilya.


“Again, sabi nila, Mayor Lani wants to run, so I stepped aside and I decided to run for Congress.


“So, akala ko, madali na nila akong susuportahan. But I decided to run as an independent with or without their support.


“Pero nagulat ako nu’ng sinuportahan nila ‘yung magiging kalaban ko ngayon,” kuwento ni Direk Lino.


“Medyo masalimuot, but at the end of the day, we are family, and alam n’yo naman ‘yung

eleksiyon, parang showbiz, na minsan, nagkakaroon ng alitan, nagkakaroon ng intrigahan,” sey niya.


Pero umaasa pa rin naman daw siya na maaayos pa rin ang lahat sa pagitan nila ng kanyang kuya and sister-in-law.


“I’m hoping and praying that at the end of the elections, makita nila that we’re still family. And the only thing I think, more important than family, is our obligation to each other at ‘yung obligasyon natin sa Panginoon,” aniya.


Samantala, parehong mahal ni Direk Lino ang showbiz industry at ang pagsisilbi sa mga Taguigeños kaya naman kung papalarin siyang mahalal muli ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para makatulong sa movie industry.


Hindi rin niya iiwan ang movie industry dahil katunayan, bago siya tumakbo ay may natapos na siyang isang pelikula under his REIN Entertainment at nakipag-collaborate siya sa Regal Entertainment sa horror film na The Caretakers na pinagbibidahan nina Iza Calzado at Dimples Romana sa direksiyon ni Shugo Praico.


Samantala, naniniwala rin si Roselle ng Regal Films sa magandang hangarin ni Direk Lino sa movie industry at sa Taguig as well, kaya naman suportado niya ang kandidatura nito.



HINDI napigilang maging sentimental ni Shaira Diaz sa pagdiriwang nila ng fiancé na si Edgar Allan “EA” Guzman ng kanilang 12th anniversary last Monday.


Ito na kasi ang last anniv nila as boyfriend-girlfriend bago sila tuluyang lumagay sa tahimik.


Sa Instagram (IG) account ni Shaira ay makabagbag-damdamin ang kanyang anniversary message para kay EA.


“12 beautiful years with you,” bungad ng aktres. “Our last anniversary as boyfriend and girlfriend—how surreal is that? In just a few more months, we’ll be saying I do and starting forever as husband and wife!! (wedding ring emoji) ahhh!!” patuloy niya.

Ayon pa kay Shaira ay sobrang nagpapasalamat daw siya sa Diyos na ibinigay sa kanya si EA.


“God knows how thankful I am to have found someone who is always there for me, who truly understands me, who cares for me more than anyone, and who loves me unconditionally. Having you by my side has been the greatest gift,” sey ng aktres.


At ngayong malapit na nga silang ikasal, looking forward na ang aktres sa pagharap nila ni EA sa panibagong chapter ng kanilang buhay.


“And now, this is it—the final chapter and the beginning of a lifetime together. Cheers to love, growth, and everything we’ve built. Forever with you is the greatest blessing. I can’t wait to marry you, Baba!!!” ani Shaira.


“Happy anniversary, my love!” pagtatapos ng aktres.

Sa comment section ay sumagot si EA at halatang sobrang na-touch sa mensahe ng fiancee.


“Tagos sa puso ko.. Napakasarap sa ‘yo basahin nito.. MAHAL NA MAHAL KITA! HAPPY ANNIVERSARY (rose emoji),” pagbati ng aktor kay Shaira.


Sagot naman ng aktres, “Nakakaiyak habang itina-type.. (crying emoji) Mahal kita, sobra!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page