Atras kay Ellen… SIGAW NI DEREK: STAY SINGLE MUNA!
- BULGAR

- Jan 15, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | January 15, 2021

Sa mga naniniwala na magiging sina Derek Ramsay at Ellen Adarna dahil nga naimbitahan ng aktor ang aktres sa dinner sa bahay nila, sa ngayon, parang malabo pang mangyari ito. May nag-comment kasi kay Derek na “Start flirting again..” na sinagot ng aktor ng “Stay single muna.”
Ayan, malinaw ang sagot ni Derek sa mga nagsi-ship na sa kanila ni Ellen — neighbors at friends pa lang sila sa ngayon, kahit marami ang nagsasabing bagay sila. Ang lakas nga raw ng chemistry nilang dalawa, pareho silang hot at sexy.
Anyway, bida sa IG Story ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias at nakakatuwa ang bagets, sobrang hyper. Tila paborito nitong upuan ang mukha ni Ellen na pinababayaan lang nito, kaya lang, panay ang “Ouch.”





Comments