Atong, jackpot sa dyowa… SUNSHINE, PROUD NA 48 NA PERO HITSURANG 28 LANG
- BULGAR

- Jul 20
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 20, 2025
Photo: Sunshine Cruz - IG
Nagdiwang ng kaarawan ang aktres na si Sunshine Cruz noong nakaraang July 18, 2025. Nagbahagi ang magandang aktres ng larawan na nagpapakita kung gaano pa siya kaganda at ka-sexy sa edad na 48.
Kung titingnan si Sunshine ay mukha lang siyang 28 at hindi 48 dahil sa ganda ng mukha at katawan nito.
Saad ni Sunshine sa post niya, “48 today! (red heart & folded hands emoji).
“I’m incredibly grateful for another year. My heart is full thanks to the unwavering love and support of those around me.”
Napakarami ng mga artistang bumati kay Sunshine, tulad nina Ara Mina, Vina Morales, Arlene Muhlach, Yana Concepcion. Bumati rin ang mga pinsan niyang sina Rodjun Cruz at Geneva Cruz.
Sabi nga ni Geneva sa comment section ng post ni Sunshine ay “48 going on 28! Love you, cous (cousin)! Happy Birthday!”
Sabi naman ni Vina Morales ay “Ang ganda n’yang babaeng ‘yan. B-day girl, wishing you good health and more blessings. Love you, Sis.”
Happy birthday, Sunshine! Kantahan na nga lang natin si birthday girl ng… “You are my sunshine, my only sunshine, you make me happy, when skies are gray. You'll never know, dear, how much I love you. Please don't take my sunshine away…”
Pak, ganern!
Kaya naman, parang naka-mega jackpot sa lotto itong si Atong Ang sa kanyang pretty and sexy dyowa.
Kumain lang sa noodle house, nag-concert na…
ROBIN, NAKIPAG-JAMMING SA MGA TAGA-BRUNEI NG OPM SONGS
SA social media post ng aktres at TV host na si Mariel Rodriguez ay nagbahagi siya ng video clip noong nakaraang adventure nila sa Brunei ng kanyang pamilya.
Makikita sa video ang saya ng senador at aktor na si Robin Padilla at ng asawa nitong si Mariel sa pakikipaglaro sa mga anak nila.
Sigurado si yours truly na hindi makakalimutan ng mga anak nina Senator Robin at Mariel ang mga masasayang moments nila kasama ang butihing ama at ina.
Kuwento nga ni Mariel sa post niya, “On our last Brunei adventure, hindi lang food trip ang nangyari dahil may pa-mini-concert din si Robin along the way! (smiling face with smiling eyes emoji).
“Unang stop: kumain kami sa sikat na beef noodle soup place na Soto Pabo, and guess what? Some locals knew a Tagalog song kaya nakipag-jam si Robin on the spot! (microphone emoji & musical notes emoji).
“Next, we explored Jerudong Park Playground, and sobrang surprising lang because almost empty ang place except us kaya parang private theme park experience ang feel namin this time!
"And to cap off the day, habang nagdi-dinner kami ay biglang tumugtog na naman ng another Tagalog song… pero this time, boses ni Robin ang narinig namin! (face screaming in shock & fire emoji).
“Grabe, from Manila to Brunei, umabot na talaga kung saan-saan ang OPM! (CD & globe showing Asia-Australia emoji).”
Ang suwerte ng mga anak nina Robin at Mariel, meron silang mapagmahal na mga magulang. Hindi importante ang mga material na bagay sa kanilang pamilya, mas importante ang panahon at oras na ibinigay nila sa mga anak nila.
Bongga kayo d’yan, Sen. Robin Padilla at Mariel Rodriguez.










Comments