top of page

‘Di raw sincere sa sorry… CONG. SUNTAY, PINAKAKASUHAN KAY ANNE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 4 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 9, 2026



Anne Curtis Smith - Instagram

Photo: Anne Curtis Smith - Instagram



Dahil tahasan nang sinagot ng aktres-host na si Anne Curtis ang bastos na kongresista na si Cong. Bong Suntay, marami ang humanga sa katapangan niya. 


Nakabalik na ng bansa ang It’s Showtime (IS) host at naglabas na rin ng sama ng loob sa ginawang pambabastos sa kanya ni Suntay dahil sa sinabi nitong nag-init ito nang makita siya at pinagnasaan siya.


Kaya raw hindi siya agad nakapagsalita dahil na-stranded sila ng kanyang pamilya sa Middle East.


Ang naging desisyon ni Anne ay hindi niya ito patatawarin dahil hindi buo ang loob ng pulitiko na humingi ng tawad at amining mali ang ginawa nito. Idadaan din ito ng aktres sa legal na proseso para mapanagot.

Kaya sey ng mga netizens:


“Very well explained, Miss Anne. Thanks for being so firm and being the big voice of all women and individuals. Everybody needs respect. Too bad a lawmaker like him needs to fully understand the laws and learn manners.”

“A lawmaker is also a lawbreaker.”


“Very true ang sinabi ni Anne Curtis. Please naman, ‘wag na nating iboto ang mga walang modo na nasa gobyerno.”


“Now that’s how you respond to a deplorable misogynistic statement with wit, decency and depth. Thank you, Anne, for speaking up for all women.”

“Strong statement indeed. Kasuhan na ‘yan si Suntay.” 


“We are proud of what you said, Ms. Anne Curtis. Let that man suffer the consequences of his wrong action and utterances. Women should be respected no matter who they are.”

Well, saan kaya hahantong ang isyung ito? Mapatawad pa kaya ni Anne Curtis si Cong. Bong Suntay? Abangan!



LAST term na ni Bulacan Gov. Daniel Fernando, so natanong ng isang grupo ng entertainment press kung ano naman ang tatakbuhin niya sa darating na 2028 elections. Tatakbo ba siya sa mas mataas na posisyon tulad ng senador?


Mariing nag-isip si Gov. Daniel, at saka sumagot, “Marami kasing mga Bulakenyo ang ayaw na umalis ako dahil sa mga nagawa ko sa Bulacan.”


Ang isa sa mga ipinagmamalaki niya ay ang job fair na twice a month na ginagawa ngayon ng kanyang nasasakupan.


Paliwanag niya, “Noon kasi, nagkakaroon lang ng job fair ang Bulacan ‘pag may mga opisyal na okasyon tulad ng fiesta. Eh, marami tayong mga kababayan na nangangailangan ng trabaho kaya ‘yun ang ginawa namin ni Vice-Gov. Alex Castro.”


Kaya tanong muli namin sa kanya, “Babalik po ba kayo sa pagka-mayor o vice-mayor o vice-governor?”

“Uhmmm, iisipin ko pa... iisipin ko pa,” aniya.


Si VG Alex naman daw ang napipili niyang iendorso sa pagka-gobernador.

Lahad niya, “Nakikita ko na kaya na ni Alex. Magtutulungan kaming dalawa. Swak kasi ang tandem namin at saka mabait s’yang tao.”


Hinggil naman sa kanyang love life, last March 8 ay nag-celebrate ng kanyang 63rd birthday ang gobernador.

Aniya, “I’m still single kahit senior na tayo.”


Hindi man niya aminin ay in love siya so far, pero hindi na namin iyon inurirat. Pero ang tanong, babalik ba siya sa pag-arte?


Pakli niya, “Kung may magandang role na dumating. May mga nag-o-offer, pero ang hinahanap ko ngayon ay ‘yung very challenging role like noon sana sa The General’s Daughter. Sa akin dapat ang role na napunta kay Tirso Cruz III, kaya lang, tinanggihan ko dahil nagkataon na pangangampanya na ‘yun. Pero sana, may dumating pa na mga ganu’ng role sa akin. Nami-miss ko na rin naman ang umarte.”


‘Yun naman pala, naghahanap lang ng tamang role at timing si Gov. Daniel Fernando.



KAHANGA-HANGA ang pag-amin ng actor-dancer na si Nikko Natividad hinggil sa isang video scandal na lumalaganap sa social media kung saan kasama ang tatlo pang actors na sina Ron Angeles, Arron Villaflor at Gil Cuerva.


Sa panayam ni Ogie Diaz kay Nikko, hindi niya dinepensahan ang sarili para magkaroon ng excuse. Bagkus, inamin niya ang kanyang pagkakamali na siya raw kahinaan niya kaya nakapagdesisyon siya nang ora-orada.


Pero imbes na hiwalayan siya ng misis niyang si Cielo Mae Eusebio, nakaramdam pa raw ito ng awa sa kanya at doon siya nag-breakdown. At ang nakadagdag pa para makunsensiya siya at ang pinakamasakit daw ay nang makatanggap siya ng text message mula sa 10 taong gulang niyang anak.


Mensahe nito kay Nikko, “Dad, walang ginawang mali sa ‘yo si Mommy (Cielo) . Ba’t mo nagawa ‘yun?”


Maya-maya raw ay muling nag-text ang anak.

Sambit nito, “Dad (Nikko), I love you. I know God will forgive you.”

At nang matauhan ay sinabi raw niya sa kanyang misis, “Kung iiwan mo ako ngayon, ‘di kita pipigilan. Deserve ko ‘to.”


Despite everything, hindi raw siya iniwan ng kanyang misis.

Sey ni Nikko, “Sabi n’ya sa akin, mahal n’ya pa rin ako… ipakita ko raw sa kanya.”

Kaya sabi niya, “‘Di na ako magrereklamo.’ Ako ang may kasalanan… kasal ako, eh. Kung pinatawad n’ya ako, ‘di ko sasayangin ‘yun.”


Dahil dito, bumilib ang mga netizens sa pangungumpisal ni Nikko.

Sey ng mga nakapanood ng vlog interview ni Ogie Diaz:


“Nakakawala ng imbiyerna kung paano n’ya sinagot lahat ng tanong sa kanya. Kita naman na sincere at genuine s’ya sa mga sinabi n’ya. ‘Pag ganito na accountable sa mali at walang sinisisi sa iba, mas madali talagang patawarin kaysa sa nagpupumilit pang lumusot, bunton-sisi at hanap-kampi. At sa wife n’ya, salute. ‘Di lahat ay kayang gawin (pagpapatawad) ang ginawa n’ya.”


“Sabi ng anak n’ya ‘God will forgive you.’ Sino ba tayo para humusga? Ang sacramento ng kasal ang isa sa mga paboritong sirain ng demonyo at tanging pagpapatawad ang susi para magkaroon ng tagumpay na pagsasama. His wife and son love him so much kaya binigyan s’ya ng pagkakataon. ‘Di ko sinabing tama ang ginawa n’ya, pero ang pagkakamali ay puwede pang itama.”


“‘Di lahat ng lalaki ay aamin ng ganyan na, ‘It was all me’. Karamihan, isisisi sa alak, sa kaibigan, sa away-mag-asawa. He took account on what he had done all the way. For that, karapat-dapat s’yang mabigyan ng respeto for being an honorable man.”

“Seek God Nikko. Your situation and lapses God will use as your testimony on how God will refine and rebuild your life. I admire your courage in owning up to your mistakes and working to rebuild your relationship with your family. That takes a lot of guts.”

“Deserve n’ya ang second chance for him na totally umamin with no excuses. In-admit n’ya ang ginawa n’ya at nag-sorry s’ya.”


Well, batid naman ni Nikko Natividad na ikakasira ito ng career niya at ito rin ang alalahanin ng misis niya na baka magbago ang tingin ng mga tao sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page