ATM machines winasak, jewelry shop nilimas.. Mall pinasok, P13M natangay
- BULGAR

- Sep 9, 2023
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | September 9, 2023

Nilimas ng mga magnanakaw ang mga alahas ng isang jewelry store pati laman ng Automated Teller Machine (ATM) na nasa loob ng isang mall sa Tagum City, Davao del Norte nitong Miyerkules na may kabuuang halaga na mahigit P13 milyon.
Batay sa imbestigasyon ng Tagum City Police, nadiskubre ng isang empleyado ang nangyaring pagnanakaw dahil sa nakitang malaking butas sa pader ng basement ng mall.
Sinira umano ng mga magnanakaw ang tatlong vault ng isang jewelry store at kinuha ang mga alahas na nagkakahalaga ng P9 milyon.
Winasak din ng mga salarin ang dalawang ATM na ang isa ay may lamang P4 million cash habang ang isa ay walang nakuha dahil under maintenance ito.
Nakita ng mga awtoridad sa CCTV footage ang tatlong lalaki na naka-bonnet na pinaniniwalaang nasa likod ng pagnanakaw.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga suspek na nanloob sa mall.





Comments