top of page
TEKA NGA - SEN. ROBIN, NANINIWALANG ‘DI NA KAILANGAN NI DANIEL NG KA-LOVE TEAM-IG _robinpa

Athena Imperial, nagsampa ng reklamong acts of lasciviousness laban kay Nico Waje

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14
  • 2 min read

ni Jeff Tumbado @News | May 14, 2026



Athena Imperial at Nico Waje - IG Circulated

Photo: Athena Imperial at Nico Waje - IG Circulated



Naghain ng magkahiwalay na reklamo sa tanggapan ng Quezon City Prosecutor’s Office si GMA reporter Athena Imperial laban sa dating kasamahan nito na si Nico Waje kaugnay ng kinasangkutang sexual harassment.


Ayon kay Atty. Aloi Renz P. Santos, legal counsel ni Imperial o Athena Mae D. Imperial-Rodriguez sa totoong buhay, pormal na naghain ang kanyang kliyente ng mga kasong acts of lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code at gender-based sexual harassment sa ilalim ng Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act.


Ayon sa law firm, kasalukuyan nang nasa tamang forum ang kaso kaya’t hahayaan muna nilang umusad ang proseso at hindi muna tatalakayin ang detalye ng reklamo upang maprotektahan ang karapatan ng kanilang kliyente.


Nagsampa ng reklamo si Imperial-Rodriguez hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa mga hindi pa kayang magsalita o natatakot pang lumantad.


Samantala, sinabi rin ni Santos na may hiwalay na isinampang kaso ang isa pang complainant laban kay Waje ngunit hindi na sila nagbigay ng karagdagang detalye bilang paggalang sa privacy at due process.


Aminado umano si Imperial-Rodriguez na hindi naging madali ang kanyang naging desisyon dahil kinailangan umano niya ng panahon, pagninilay, at suporta mula sa mga malalapit sa kanya bago nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.


Binigyang-diin din niya na naniniwala siyang hindi dapat ipinagwawalang-bahala o pinapayagan ang mga ganitong insidente sa anumang lugar ng trabaho o industriya.

Hiniling din niya sa publiko na hayaang gumana ang batas nang walang haka-haka o maagang paghuhusga habang nagpapatuloy ang proseso ng kaso.


Sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na pahayag o reaksyon si Waje kaugnay sa mga reklamong isinampa laban sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page