Ateneo, binalaan na ng misis, kinuha pa rin... Mga atleta, 'di safe kay Baldwin
- BULGAR

- 8 hours ago
- 1 min read
ni BRT @News | June 14, 2026

Photo: Coach Tab Baldwin - Ateneo de Manila University
Naglabas ng pahayag si Efthymia “Efi” Kalogirou, ang nagpakilalang asawa ni Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin, kaugnay sa isyung kinahaharap nito kasunod ng pagkamatay ng dalawang student-athlete nito.
Sa video na inilabas sa Facebook ng Tudor Clee, Barrister and Solicitor of the High Court na based sa New Zealand, isiniwalat ni Efi na ilang beses na umano niyang binalaan ang pamunuan ng Ateneo de Manila University na hindi ligtas ang mga estudyante kay Tab.
“At the time, I repeatedly told the Ateneo University that children are not safe around him, and it was their duty to remove him. I urged them to move him away from the university campus and they proceeded to launch a campaign of intimidation and silencing,” saad ni Efi.
Hinimok naman ni Efi ang mga Pilipino na patuloy na kwestiyunin ang Ateneo kung bakit pinapayagan pa ring makalapit ang mga estudyante kay Tab kahit na nagbigay na siya ng babala sa naturang pamunuan.





Comments