top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Atat sa Hollywood dream... LIZA, KUNG SAAN-SAAN BINIBITBIT NI JAMES MAGKA-SHOW LANG

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 4, 2022



Marami ang nagsasabing tuluyan nang naagaw ni James Reid si Liza Soberano kay Enrique Gil.


Madalas ngayong magkasama sina James at Liza dahil ang una na ang manager ng aktres na dating alaga ni Ogie Diaz.


Kung saan-saan kinakaray-dinadala ni James si Liza upang hanapan ng trabaho. Pero, walang katiyakan ang ginagawang ito ni James Reid kaya hinayang na hinayang ang mga tagahanga ni Liza.


Sa paghahangad ni Liza na makamit ang kanyang Hollywood dream, masyado siyang nagmadali at iniwan ang dating manager na tumulong sa kanya ng 11 years.


Tuloy, unti-unti nang nababawasan ang premium ni Liza bilang product endorser. Dapat, maging visible na si Liza kahit sa television bago tuluyang lumamig ang kanyang career.


Hopefully, hindi pagsisihan ni Liza Soberano ang kanyang desisyon na magpa-manage kay James.


Sa ngayon, para siyang nagsisimulang muli sa kanyang showbiz career.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page