top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

ATASHA, NAPASOK LANG DAW SA E.A.T. NG TVJ DAHIL KINA AGA AT CHARLENE

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 26, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 26, 2023


Kabagu-bago pa lang ni Atasha Muhlach ay may mga issues na agad na ibinabato sa kanya ang ilang netizens. May mga nagtatanong kung bakit daw agad siyang napasama sa programang E.A.T. ng TV5 ganu'ng kabago-bagu pa lang niya at wala pang experience sa pagho-host sa telebisyon.


Hindi pa rin niya napapatunayan ang kanyang talento sa pagkanta at pagsasayaw, although maraming viewers ng E.A.T. ang naaliw sa kanyang mga pinaggagagawa sa nasabing noontime show.


May ilang nag-comment naman na dahil anak siya nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales kaya agad siyang natanggap bilang co-host ng TVJ sa E.A.T. ng TV5.


Ngayon, ginagawan naman ng issue at pinagsasabong sila ni Sandara Park nang mag-guest si Dara sa It's Showtime. Pantapat daw si Sandara kay Atasha na nasa E.A.T. naman.


Well, for sure, nabigyan ng warning at advise nina Aga at Charlene si Atasha sa mga haharapin niyang giyera ngayong sasabak na rin siya sa showbiz. Hindi siya dapat na balat-sibuyas. Kailangan na sintatag ng pader ang kangang dibdib kung gusto niyang magtagal sa showbiz!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page