Asiong, Vivid Pink palaban sa Condition Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | February 10, 2022
Inaasahang mainit na bakbakan ang masisilayan ng mga karerista sa Condition Race Merged na ilalarga ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Anim na tigasing kabayo ang kalahok sa distansiyang 1,500 meter race, tiyak na pahirapan ang mga karerista sa pagpili ng kanilang tatayang kabayo.
Markado sa nasabing laban sina Asiong at Vivid Pink pero ayon sa ibang mga karerista ay posibleng dikit-dikit ang magiging bentahan ng anim na kasali.
"Tingin ko kalat ang bentahan dyan, kahit sino puwedeng manalo, magagaling lahat ng kasali kaya baka mag tatlong pili pa ako," saad ni Amerito Valdez, karerista.
Maliban sa dalawang nabanggit na kabayo, ang ibang kasali ay sina Goldsmith, Pulang Lupa, Toy For The Bigboy at Magnificent Lady.
Aabangan naman ng mga liyamadista si Jambo na sasalang sa 2022 PHILRACOM Rating Based Handicapping System at patatakbuhin sa pang-apat na karera.
Sasakyan ni jockey NJ Esteban, mapapalaban si Jambo sa apat na tigasing kabayo sa event na may distansyang 1,400 meter race.
May added prize na P15,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kalahok ay sina Exceptional, Reconstruction, Just And Fierce at Dream Team.
Ayon sa komento ng ibang karerista sa social media, posibleng magbigay ng magandang laban kay jambo ay si Dream Team na sasakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Hernandez.
Kukubrahin ng winning horse owner ang karagdagang premyo na P5,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Samantala, pitong races ang pakakawalan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) kaya tiyak na masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga pili ni Green Lantern:
Race 1. Yana's Dance (8), Run And Gun (4), Noir (7)
Race 2. Asiong (10), Toy For The Bigboy (5)
Race 3. Cash Is King (1), Darna (4), King Hans (6)
Race 4. Jambo (1), Dream Team (5)
Race 5. Sekretong Malupit (2), The Barrister (8), Ashea's Will (3)
Race 6. Patong Patong (1), My Jopay (2)
Race 7. Regan Bell (6), Princess isabelle (9), Barrio San Jose (8), Trust In Him (5)
Patok - Jambo (R4), Patong Patong (R6)
Pandehado - Regan Bell (R7)





Comments