Asiong, masusubok sa arangkadang Turf
- BULGAR
- Jun 4, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 4, 2023
Masusubukan ang tikas ni Asiong pag-arangkada nito sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.
Mga dekalidad na kabayo ang makakatapat ni Asiong kaya tiyak na daraan ito sa butas ng karayom bago masilo ang panalo sa distansiyang 1,600 meter race.
Ipamumudmod ang guaranteed prize na P35,000 sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang may karagdagang premyo na P10,000 para sa winning horse owner.
Rerendahan ni jockey JL Santiago, makakatagisan ng bilis ni Asiong sina Biglang Buhos, La Vie D'Or, Medaglia D' Amor, Landslide at Fortissimo.
Ilalarga ang nasabing event sa unang race, suportado ito ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Posibleng magbigay ng magandang laban kay Asiong ay sina Fortissimo at Biglang Buhos.
"Lahat ng kasali ay magagaling kaya pagalingan na lang sa pagpili, kahit sino madehado ay malaki ang tsansang manalo pa rin," saad ni Manny Vicencio, veteran karerista.
Samantala, may 10 karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya asahang magsasaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.





Comments