Asian Youth Plus Track C'ship sa 2027 Tagaytay CT Velodrome

by MC @Sports News | August 10, 2026

Photo: Muling idaraos sa Tagaytay CT Velodrome ang Asian Youth Plus Track Championships na pinangasiwaan ni POC President Abraham 'Bambol' Tolentino sa 2027. Inihahanda na ngayon ang naturang venue para sa kompetisyon sa buong Asya. (pocpix)
Nakatakdang mag-host ang Tagaytay City ng pambungad na Asian Youth Plus Track Championships sa 2027 sa Tagaytay CT Velodrome kung saan ang bagong continental championship ay para sa mga track cyclist na may edad 16 pababa, ayon kay Abraham “Bambol” Tolentino, pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC).
Inaprubahan ito sa pulong ng Asian Cycling Confederation (ACC) Management Committee na ginanap sa Kuala Lumpur noong nakaraang linggo.
"Nilalayon ng Asian Youth Plus Track Championships na magbigay ng plataporma upang mapaunlad ang mga batang siklista sa buong Asya na may mas malawak na saklaw kabilang ang Oceania," sabi ni Tolentino.
Magbibigay-daan ito sa mga batang siklistang Asyano na makipagkompitensya laban sa mas malawak na internasyonal na larangan at lalong magpapataas ng pamantayan ng kompetisyon." Sinabi ng pangulo ng POC na ang mga petsa ng track championships ay iaanunsyo sa lalong madaling panahon.
Ang Tagaytay CT Velodrome ay unang nag-host ng ACC Track Championships at Para Track Championships noong Marso at muling magiging lugar para sa dalawang leg ng Track Asia Cup sa Disyembre.
"Ang mga bagong championship[s] ay pangunahing tututok sa mga kategorya ng Boys at Girls, na magbibigay sa mga batang siklista ng mahahalagang internasyonal na pagkakataon sa kompetisyon sa maagang yugto ng kanilang pag-unlad," sabi ng pangulo ng ACC na si Dato' Amarjit Singh Gill sa opisyal na pahayag ng kumpederasyon.





Comments