Ika-2 ginto sa Asian Para Games, sinisid ni Alergabes

by MC @Sports News | October 21, 2026

Photo: Na-diagnose na may attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) at dyslexia si Asian Para games Nagoya gold medalist Ariel Joseph Alegarbes na tumalo sa South Korea at Thailand sa swimming backstroke. (alegarbesfbpic)
Ikalawang gintong medalya para sa Pilipinas ang sinungkit ni swimmer Ariel Joseph Alegarbes sa men's 100m Backstroke S14 ng kalalakihan sa 5th Asian Para Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Nakapagtala ang 21-anyos na tubong Negros Occidental ng 1:01.56 upang makamit ang ginto sa disiplina ng backstroke. Si Alegarbes, na na-diagnose na may attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) at dyslexia, ay tinalo si Kang Sungho ng South Korea, na natapos sa likod ng 1 segundo sa oras na 1:01.61.
Pangatlo si Natirat Meeprom ng Thailand sa oras na 1:02.08. Ito ang pangalawang ginto ng Pilipinas mula sa unang gold ni Ernie Gawilan sa 400-meter freestyle S7 noong nakaraang araw, at ang pangatlong medalya sa pangkalahatan kasunod ng tansong medalya ni Raemond Adefuin sa 100-meter breaststroke SB6.
Sinabi ng pangulo ng Philippine Paralympic Committee na si Mike Barredo na ang mga tagumpay ng mga manlalangoy ay inspirasyon sa mas maraming atletang Pilipino na umakyat sa podium. “Well, again, it inspires and motivates the others to do the same, di ba?" aniya.
Pinuri rin ng Philippine chef de mission na si Francis Diaz ang tagumpay ni Alegarbes, "Salute, Arjay Alegarbes, para sa ikalawang ginto ng Pilipinas sa 5th Asian Para Games. We are very proud of your achievement," ani Diaz. Ang tagumpay ang naglagay sa Pilipinas sa ika-14 na puwesto sa medal tally.





Comments