Asahan na sa SONA ang bolahan
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 26, 2021
BOLAHAN AT BATIKUSAN SA LAST SONA NI P-DUTERTE, ASAHAN NA--Ngayong araw na ang pinakaaabangang last SONA (State of the Nation Address) ni P-Duterte.
At sa araw na ito, asahan nang may magananap na bolahan at batikusan.
Pambobola ni P-Duterte sa publiko na naging matagumpay ang kanyang mga campaign promise at pambabatikos naman ng mga kritiko na nabigo ang pangulo na tuparin ang mga ipinangako nito sa mamamayan noong 2016 presidential election, boom!
◘◘◘
DAHIL SABLAY ANG 3-6 MONTHS CAMPAIGN PROMISE NA WALA NANG KORUPSIYON, ILEGAL NA DROGA AT KRIMINALIDAD, KAYA ANG MGA DATING DDS, EX-DDS NA NGAYON--Kapuna-puna sa social media na maraming DDS noon, na ex-DDS na ngayon, at ang mga ex-DDS ang mga kabilang na sa bumabatikos kay P-Duterte.
Ang pinaka-rason ng mga dating pro-Duterte ay dahil naunggoy sila ni P-Duterte noong campaign period ng 2016 pesidential election na sa loob ng 3-6 months ay wala nang korupsiyon, ilegal na droga at kriminalidad sa bansa kasi imbes na mawala ay lalo pang lumala ang katiwalian, bentahan ng ilegal na droga at patayan, nakawan at holdapan sa bansa, period!
◘◘◘
TIYAK NA HINDI IBIBIDA NI P-DUTERTE ANG DAGDAG-SINGIL SA KURYENTE, DAGDAG-BAYAD SA LANGIS AT DAGDAG-PRESYO NG BILIHIN--Noong nakalipas na July 9, 2021 ay nagulantang ang publiko nang magtaas-singil sa kuryente ang Meralco sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Tagalog region, at mga electric cooperative sa iba't ibang probinsiya; noong July 13 ay nagkaroon din ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis at noong July 20 ay tumaas naman ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Asahan nang hindi isasama ni P-Duterte sa kanyang last SONA ang dagdag-singil sa kuryente, dagdag-bayad sa langis at dagdag-presyo sa mga bilihin kasi taliwas ito sa isa sa kanyang campaign promise noon na bibigyan niya ng maginhawang pamumuhay ang mamamayan dahil sa totoo lang, ang power rate increase, oil price increase at commodity price increase ay dagdag-pahirap sa mamamayan, boom!
◘◘◘
ROQUE, PINUTAKTI NG BATIKOS SA PAGSASABING NATUPAD NI P-DUTERTE ANG MGA CAMPAIGN PROMISE NOONG HALALAN 2016--Pinutakti na naman ng batikos ng mamamayan si Presidential spokesman Harry Roque sa kanyang sinabi na natupad daw ni P-Duterte ang mga campign promise nito noong 2016 campaign period.
Batikos talaga ang aabutin ni Roque kasi isang taon na lang ang nalalabi sa panunungkulan ni P-Duterte bilang pangulo ng bansa, at para sa mamamayan ay nabigo si P-Duterte na tuparin ang lahat ng kanyang campaign promise, pero si Roque humihirit pa, na kesyo natupad daw, buwisit!





Comments