As in dedma! GRETCHEN, 'DI BINATI SI CLAUDINE NU'NG B-DAY
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 7, 2022

Bagama't natutuwa ang mga loyal fans ni Claudine Barretto sa balitang balik-acting na siyang muli at lalabas sa ilang shows ng GMA Network, may mga netizens ang nagdududa kung seryoso na nga siya sa kanyang pagbabalik-showbiz.
Ilang beses na kasi siyang binigyan ng chance ng GMA-7 para maging aktibong muli ang kanyang career. Inihanda na ang magagandang projects na kanyang pagbibidahan.
Pero, ilang beses din na naudlot at hindi nagtuluy-tuloy. Sa hindi malamang kadahilanan ay nag-back-out si Claudine kaya marami ang nanghinayang.
Magaling na aktres si Claudine. Katunayan, nanalo siya ng tatlong beses sa FAMAS bilang Best Actress. Marami rin siyang nagawang pelikula at serye sa telebisyon.
Pero, pinalalampas niya ang magagandang oportunidad upang muling magningning ang kanyang career. Puwedeng-puwede pa siyang bumawi kung gugustuhin lang niya.
Umaasa ang mga nagmamalasakit kay Claudine na totohanan na ang kanyang pagbabalik.
Mapapanood siya sa isang episode ng Tadhana.
Last July 20, nagdiwang si Claudine ng kanyang 43rd b-day. Isang simpleng get-together lang sa kanilang tahanan ang naganap kasama ang ilang non-showbiz friends. Tanging si Bianca Lapuz ang artistang bisita niya.
Nagtataka naman ang marami kung bakit hindi nakaalala ang kanyang Ate Gretchen Barretto na bumati sa kanyang kaarawan. Ni hindi rin daw nag-post ng b-day greetings si La Greta para kay Claudine? Nasaan nga ba ngayon si La Greta?





Comments