ARRON, WALANG TAKOT, GAME SA BUWIS-BUHAY ADVENTURES
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 10, 2023
Natuwa kami nang muli naming nakaharap at naka-bonding pa nang halos isang buong araw si Arron Villaflor nang imbitahan kami sa Luljettas Place Garden Suites sa Antipolo para ma-try ang iba't ibang amenities nila lalo ngayong summer.
Halos isang dekada na yata naming hindi nakita ang aktor pero in fairness, 'di ito nagbago sa pakikitungo sa press people.
'Di pa naman endorser si Arron ng napakagandang resort pero guest siya that day at talaga namang sinulit at nag-enjoy ang magaling na aktor sa mga tourist attractions and services na ino-offer sa Luljetta's tulad nga ng Giant Swing, Jacuzzi, hydro massage, fish spa, facial at kung anu-ano pa.
'Katuwa si Arron na game na game sa Giant Swing, walang takot dahil nagmo-motocross din pala siya.
Kuwento nga niya, sa motocross ay nabalian pa siya ng collarbone na ipinakapa pa niya sa amin, pero hindi pa rin daw talaga siya tumitigil dahil enjoy siya sa sport niyang ito.
Anyway, sa interview namin kay Arron, napag-usapan ang pagiging VivaMax star na niya ngayon.
Bagama't nakilala bilang magaling na aktor-kontrabida, challenge pa rin daw nu'ng una para kay Arron ang magpa-sexy at magpakita ng butt niya sa mga movies na kanyang ginawa katambal sina Angelica Khang, Denise Esteban at iba pa.
Pero kung kinaya niya ang sexy movies, medyo hesitant pa siya kung BL series ang pag-uusapan dahil hindi pa raw siya handang makipag-kissing scene sa kapwa lalaki.
Kaya tinanong namin siya kung sino kayang aktor ang makakapag-convince sa kanya para i-try naman ang ganitong projects.
Sagot ni Arron, papayag siya sa kissing scene kung si Jake Cuenca ang kanyang makakapareha.
Bilib na bilib si Arron sa galing ni Jake bilang aktor at alam niyang maha-handle nila nang tama ang mga eksena kung saka-sakali.
Hmmm… Paging, VivaMax, alam n'yo na!





Comments