Vilma, kaya na-trauma… LUIS, NAMAGA ANG UTAK, RYAN TUMIRIK ANG MGA MATA
- BULGAR
- Feb 1, 2022
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | February 1, 2022

Ibinuking ng magkapatid na Luis Manzano at Ryan Christian Recto ang pinakakinatatakutan ng kanilang ina na si Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto sa latest vlog ng actress-politician sa kanyang YouTube channel kahapon.
Sa unang pagkakataon ay naiupo ni Rep. Vi sina Luis at Ryan, revealing how well they know ang kanilang ina.
One of the questions na ibinato ni Ate Vi sa kanyang mga anak ay kung saan siya pinakanatatakot.
Sagot ni Luis, “Sa amin.”
Takot na takot daw si Ate Vi kapag nagkakasakit ang kanyang mga anak at ipinakuwento niya kina Luis at Ryan kung bakit.
Ayon kay Luis, he’s in Grade 3 or 4 daw nu’ng nagkaroon siya ng encephalitis, isang uri ng sakit sa utak. Namaga raw ang utak ni Luis.
“So, kumbaga, halos muntikan akong mag-50-50 dahil nagka-encephalitis ako. So, mula noon, si Momskie, naging hypochondriac (unrealistic fear that they are at high risk of becoming ill).
Nagre-react talaga siya pagdating sa sakit. Actually, meron na dati. Mas nadagdagan pa. Kaya kapag may isa sa amin ni Ryan na may sakit, ah, iba ang stress ni Momskie,” paliwanag ni Luis.
Kay Ryan naman ay na-experience ni Ate Vi na tumirik ang mga mata ng kanyang bunso, pero hindi maalala ni Ryan na nangyari ‘yun sa kanya.
Natanong din ni Ate Vi sa kanyang mga anak kung papayag sila na magpa-enhance siya ng mukha. In short, magparetoke!
Ang numero-unong ayaw na ayaw daw siyang payagan na magparetoke ng mukha ay si Ryan.
“Yeah, hindi mo naman kailangan ‘yan, ‘di ba? I always tell you,” lahad ni Ryan.
Singit pa ni Ate Vi, “Bakit ayaw na ayaw mo?”
“Wala, ‘coz you really look fine. You look good na. And you’re out naman, you eat healthy. So, what’s the point?” diin pa ni Ryan.
Para kay Ryan, wala naman daw dapat ipa-enhance sa mukha niya si Ate Vi. At kahit tumanda na raw ang kanyang ina, tiniyak niyang her mom will grow old gracefully.
“Honestly, you can grow old gracefully. You don’t need that 'coz I think it will make it worst. You don’t need that talaga,” masayang pahayag ni Ryan.
Kahit pa-botox lang daw si Ate Vi, ayaw talaga ni Ryan.
Umayon naman si Ate Vi sa mga sinabi nina Luis at Ryan sa kanya na huwag magpa-enhance ng mukha.
Komentáře