ARNELL AT MADIR NG ANAK, 12 YRS. BAGO NAGPAKASAL, 5 ARAW LANG, HIWALAY NA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 1, 2022

Ibang klase ang love story ng comedian-TV host na si Arnell Ignacio at ng babaeng kanyang pinakasalan na si Frannie.
Twelve years muna silang nagsama at nagkaroon ng anak na babae bago sila nagdesisyon na magpakasal.
Pero, five days lang pagkatapos ng kanilang kasal ay nagdesisyon silang maghiwalay na at hanggang ngayon ay hindi pa nagkakabalikan.
Dalaga na ang anak nilang si Sofia na nakatapos na ng kolehiyo at may sarili nang negosyo.
Batay sa kuwento ni Arnell sa vlog ni Aster Amoyo, tanggap ng kanyang ex-wife na si Frannie ang buo niyang pagkatao. Hindi niya itinago ang kanyang pagiging gay. Nagkakasundo naman sila sa maraming bagay kaya tumagal nang twelve years ang kanilang pagsasama.
At naging masaya naman si Arnelli. Tinanggap na rin ng mga magulang niya ang kanyang buong pagkatao.
Noong nagsisimula pa lang sa showbiz si Arnelli ay nagsikap siya upang makagawa ng pangalan. Hindi niya ikinahihiyang aminin na nagsimula siyang stand-up comedian noon sa Music 21 at dito'y nakasabayan niya ang kanyang BFF na si Ai Ai delas Alas!





Comments