ARJO, KINAUSAP ANG PARENTS NI MAINE BAGO NAG-PROPOSE
ni Nitz Miralles - @Bida | August 15, 2022

One year in the making pala ang proposal ni Cong. Arjo Atayde sa fiancée niyang si Maine Mendoza bago naisakatuparan. Nabanggit ito ni Arjo sa interview sa kanya ni MJ Felipe sa TV Patrol noong August 11.
More than a year na niyang pinlano ang mag-propose, hindi lang natupad dahil may mga nangyari, kaya naghintay siya ng right time.
Nabanggit din ni Arjo na he asked Maine’s parents kung puwede niyang pakasalan na si Maine at thankful siya sa pagiging loving, understanding at very giving sa kanya ng mga magulang ng fiancée.
Sa tanong kung matagal ba ang engagement nila ni Maine bago magpakasal, si Maine raw ang may final say.
“That’s Maine’s decision for now. For me, I’m just here for whatever she wants. To be honest, I’ve decided even before asking her, I am ready anytime,” sagot ni Arjo.





Comments