Arjo at Maine, naunahan pa?! KALAT NA: RIA, BUNTIS KAYA PAKAKASALAN NA NI ZANJOE
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 22, 2024

Photo: Zanjoe Marudo / IG
Pagkatapos ng announcement ng engagement nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo ay umugong naman ang balitang buntis na raw ang aktres kaya sila magpapakasal na. Mahigit isang taon na rin naman silang nagsasama as a couple at may blessing ito ng parents ni Ria.
At kung totoo ngang preggy na si Ria, mukhang mauunahan pa niya si Maine Mendoza na magka-baby.
Sabik na sabik na si Sylvia Sanchez na maging lola at magkaroon na ng apo. Inaapura na nga ni Ibyang sina Maine at Cong. Arjo Atayde na bigyan na siya agad ng apo.
Kaso, mukhang hindi naman nagmamadali sina Maine at Arjo na magkaroon ng anak. Ine-enjoy muna ang panahon na magkasama sila na nagta-travel abroad.
At least, matutupad naman ang wish ni Sylvia Sanchez na maging lola sa magiging anak nina Ria at Zanjoe, tutal, tanggap na tanggap naman nila ang aktor dahil nakita nila kung paano nito alagaan si Ria.





Comments