ARJO AT MAINE, NAG-CELEBRATE NG 4TH ANNIV
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 23, 2022

Short but sweet ang anniversary greetings ng engaged showbiz couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa isa’t isa last Tuesday (Dec. 21).
Nag-post si Arjo ng napakasayang kuha nila ni Maine sa kanyang Instagram page at aniya sa caption, “Happy fourth, my baba! Thank you for everything that you do and for everything that you are. I love you.”
Ang cute rin ng photo nila ni Arjo na in-upload ni Maine sa kanyang IG at simpleng caption niya: “Happy fourth.”
Sapat na ito para kiligin ang mga ArMaine fans na masayang-masaya para sa kanila.
Tanong nga ng iba ay kung kailan na ba ang kanilang kasal.
Pero hindi pa rin talaga maiwasan na mayroon pa ring basher. Isang AlDub fan ang nagkomento na hate raw niya si Arjo dahil winasak nito ang love team nina Maine at Alden Richards.
Anyway, sa ngayon ay abangers na ang mga fans sa pag-iisang-dibdib ng ArMaine na feeling naman namin ay malapit na rin. Hula namin, next year ay may magaganap nang wedding sa dalawa.





Comments