top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ari-ariang pag-aari ng unang asawa, hindi maaaring pakialaman ng bagong asawa

  • BULGAR
  • Sep 17, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 17, 2021


Dear Chief Acosta,


Nakapag-asawa ako ng biyuda na may dalawang anak sa kanyang unang asawa. May naipundar silang dalawang taxi noon at ang boundary o kinikita nito ang tanging pinagkukunan namin ng pera. Dahil kami ay kasal naman, maaari ko bang gastusin sa iba kong pangangailangan ang ibang kinikita nito? – Kiel



Dear Kiel,


Para sa inyong kaalaman, ang Article 92 (3) ng Family Code of the Philippines ang batas na nakasasakop sa inyong idinudulog. Ayon sa nabanggit na Artikulo:


“Art. 92. The following shall be excluded from the community property:

(1) Property acquired during the marriage by gratuitous title by either spouse, and the fruits as well as the income thereof, if any, unless it is expressly provided by the donor, testator or grantor that they shall form part of the community property;


(2) Property for personal and exclusive use of either spouse. However, jewelry shall form part of the community property;


(3) Property acquired before the marriage by either spouse who has legitimate descendants by a former marriage, and the fruits as well as the income, if any, of such property. (Binigyang-diin)


Base sa nabanggit na panuntunan, hindi maituturing na parte ng absolute community property ninyong mag-asawa ang ari-ariang pag-aari nila ng kanyang unang asawa sapagkat sila ay mayroong anak. Bukod pa rito, ang kinikita ng nasabing ari-arian ay hindi rin maituturing na bahagi ng absolute community kung kaya hindi ninyo maaaring gastusin ang kinikita nito ng lingid sa kaalaman o walang pahintulot ng inyong asawa at ng kaniyang mga anak.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page