top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

ARCI, PINAGKAKAKITAAN NA ANG MGA LODING K-POP STARS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 26, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 26, 2023




Sobra ang pagka-fanatic ni Arci Muñoz sa mga K-pop stars, to the extent na sinusundan niya ang kanyang mga paboritong K-pop band kahit saan mag-concert ang mga ito.


Talagang gumagastos si Arci nang malaki mapanood lang niya ang mga kinababaliwang K-pop bands. Nakapanood na ito ng total of 17 concerts na talagang dinarayo pa niya kahit nasaang lupalop ng bansa ang concert ng mga ito.


At kahit na sobrang mahal ng concert tickets ay nanonood pa rin si Arci. Lagi rin siyang updated sa mga activities at events ng mga paborito niyang K-pop stars. At kumpleto rin ng mga memorabilia at K-pop merchandise.


Nakabuti kay Arci ang kanyang pagiging fanatic sa mga K-pop stars. Sa ngayon, isa na ring negosyante si Arci. Nagbebenta siya ng mga K-pop merchandise. Bumibili siya nang maramihan sa mga legit suppliers ng K-pop merchandise at ibinebenta niya online.


Klik na klik ito sa dami ng mga fans ng K-pop. Laging nauuna si Arci kapag may mga bagong K-pop merchandise and memorabilia na lumalabas.


At dahil din sa kanyang koneksiyon sa mga suppliers ng K-pop merchandise, nagkaroon na rin siya ng access sa mga events ng mga sikat na K-pop stars.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page