Aray ko, Sheryl! JERIC, IPINAGSIGAWANG SI RABIYA LANG ANG INILANTAD NA GF
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 1, 2022

Mukhang hindi naman nagkakalabuan sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales tulad ng napapabalita lately.
Sabay na pumirma ang Kapuso couple ng panibagong kontrata last Thursday sa “Signed for Stardom” event ng Sparkle GMA Artist Center.
Kahapon naman ay humarap ang dalawa sa mediacon along with other Sparkle artists na sina Zonia Mejia, Radson Flores, Lexi Gonzales, Katrina Chavez, Kirst Viray, Anthony Rosaldo at Nikki Co.
Sa nasabing digicon ay natanong si Rabiya kung ano ang mas priority niya between love and career.
“I will be honest talaga, 'pag nagmahal talaga ako, all-out and. . .” sey ni Rabiya na nagsimula nang maging emosyonal.
“Umiyak?” biro niya sa sarili sabay-tawa.
“Ang dami kong sinacrifice rin for this man. Ilang beses na rin akong napagalitan ng management ko dahil matigas daw ‘yung ulo ko, pero 'pag nagmahal po talaga ako, totoo. And I can sacrifice few things kung ‘yun ‘yung makakabuti sa akin at kay Jeric,” she said.
Deklara pa ng beauty queen-turned-actress, “Mahalaga sa akin ang trabaho pero mahalaga rin po sa akin si Jeric.”
Tungkol sa kanyang cryptic post sa Instagram kung saan nga nagsimula ang espekulasyon na baka may problema ang relasyon nila ni Jeric, aniya ay wala naman itong kinalaman sa aktor at tungkol daw ito sa buhay.
“Na there are things that I do regret na ginawa ko sa sarili ko and I tolerated that but it has nothing to do with Jeric because kami po ni Jeric, lumalaban po talaga kami sa buhay. And aminado naman po namin that we’re not perfect,” she said.
Marami raw ang nagsasabi sa kanya na kung gusto niya ng magandang career ay huwag siyang mag-boyfriend or pumili ng artista for a BF.
“Pero I didn’t listen to them and I chose to love at its fullest,” aniya.
Hindi naman daw sa gusto niyang patunayan na tama siya kaya hindi niya sinusunod ang mga nasabing advice.
“It’s just that I just want to be the author of my story. Kasi there were moments in my life din na akala ko, 'pag nakinig ako sa iba, ‘yun ‘yung makakabuti sa akin and then I would have regrets na sana, I did what I want, na sana sinunod ko kung ano ‘yung voice rin inside my head. And this time siguro, mas naging matapang ako na ipaglaban kung ano ‘yung mga importante po sa akin,” pahayag ni Rabiya.
Nahingan naman si Jeric ng reaksiyon sa mga tinuran ni Rabiya at ayon sa aktor, malaki ang pasasalamat niya na dumating ang beauty queen sa buhay niya. Before this ay tanging sa career lang daw siya talaga naka-focus dahil marami pa siyang gustong ma-achieve.
“Nu'ng dumating siya, I thought it’s gonna be hard. Of course, it’s gonna be hard 'coz it’s a relationship. Pero hindi ko na-feel na hindi ko kakayanin, eh. Na-feel ko na mas lalo akong naging masaya, mas lalo akong naging inspired, mas lalo akong ginanahan, mas lalo akong na-push to do the best in me, alam mo ‘yun?
“And this is the first time kasi na lumabas ako sa public, sa showbiz na I have a girlfriend. For a very long time, wala naman talaga akong ipinapakilala and ngayon lang ako naging proud.
“I couldn’t be more proud na sabihin sa mga tao na ang suwerte ko 'coz sinagot ako ng isang Rabiya Mateo,” he said.
Pagkumpirma pa ni Jeric na tila sagot sa mga tsismis na nagkakalabuan sila, “We’re very in love with each other, so right now, talagang masaya kami sa kung ano ang nangyayari sa amin like ito, sabay kaming nag-sign sa Sparkle and we’re very excited sa mga opportunities na puwede kaming magkasama, sa mga projects.”





Comments