top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Aray ko, Ruffa! BISTEK: NATAGPUAN KO NA ANG BABAENG PAKAKASALAN KO DITO SA TARLAC

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 4, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 4, 2022




Kung sa Tarlac nagsalita si Kris Aquino tungkol sa ex niyang si Herbert Bautista, dito rin siya sinagot ng aktor-pulitiko na ngayon ay tumatakbong senador.


Last Saturday (April 2), sa campaign sortie ng UniTeam sa Tarlac, sa kauna-unahang pagkakataon ay sinagot ni Bistek si Kris sa mga naging pahayag nito nu’ng nakaraang buwan.


Matatandaang nagsalita si Kris sa campaign rally naman ni Vice-President Leni Robredo sa Tarlac na huwag iboto ang kanyang “ex” na hindi marunong tumupad sa mga pangako.


Sa kumalat na video ni Bistek habang nagsasalita sa stage, panay ang kantiyaw ng tao sa kanya at isinisigaw ang pangalan ni Kris.


Then, sabi ni Bistek, “Actually, natagpuan ko na ang babaeng pakakasalan ko dito sa Tarlac. Kaya lang, tinatakan niya ako ng “ex.” Pero, hindi ko alam kung ako ‘yun, baka ibang tao naman ho ‘yun, ‘di ho ba?”


Sigawan ang mga tao.


“Basta, ito na lang po ang sasabihin ko, ang sinabi nga po ni BBM at saka ni Inday Sara na kapag ikaw ay binato ng bato, batuhin mo ng burger,” dagdag pa niya.


Bilang pagtatapos ay nagbigay ng mensahe si Bistek kay Kris.


“Pero seriously, ito na lang ang aking message sa kanya. Malaki ang respeto ko sa pamilya mo at saka sa ‘yo. At ang aking pagmamahal sa ‘yo bilang kaibigan ay hindi na mawawala.


“So, pagaling ka and kain ka ng marami,” pahayag ni Bistek.


Inaabangan ng lahat ngayon ang reaksiyon ni Kris and knowing her, hindi malayong sagutin niya ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page