top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Aray ko! PAOLO, GUSTONG MAKITA ANG ANAK KAY LJ, 'DI NAMAN NAGSUSUSTENTO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 25, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 25, 2023




Aminado si Paolo Contis na sobrang miss na niya ang anak kay LJ Reyes na si Summer.

Ang cute at bibong bata naman kasi nito.


Sa New York na kasi naninirahan si LJ kasama ang dalawa niyang anak at mahigit 2 years na palang hindi nakikita ni Paolo ang babaeng anak.


Plano niyang dalawin si Summer, pero kailangan na dumaan muna siya sa abogado ni LJ Reyes upang mabigyan ng permission na makita ang anak.


Naka-block si Paolo Contis sa Instagram ni LJ, kaya hindi niya nakikita at nasusubaybayan ang paglaki ni Summer at hindi niya rin alam na namana nito ang kanyang talento sa pagpapatawa.



Well, kung tutuusin, puwede namang umapela si Paolo, kung talagang gusto niyang makita at makasama si Summer.


Pero dapat munang mag-effort si Paolo na makipag-usap sa dating karelasyon na si LJ at hingin ang kapatawaran nito. Tutal, inamin naman ni Paolo na siya ang nagkamali at nasaktan niya ang damdamin ng dating karelasyon.


Dapat ay hindi basta-bastang talikuran na lang ni Paolo ang kanyang obligasyon sa anak na si Summer.


Ang nararapat niyang gawin ay bigyan niya ng regular na sustento ang anak para sa mga pang-araw-araw na pangangailangan nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page