top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Aray ko! Nauwi na sa hiwalayan… ELISSE, WALANG IBANG GUSTONG PAKASALAN KUNDI SI MCCOY

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2023
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | January 6, 2023



Nanghihinayang ang iba sa hiwalayan nina Elisse Joson at McCoy de Leon. Una na siyempre ang McLisse fans, lalo pa nga’t inakala ng marami na sa kasalan na ang tuloy ng relasyon nila pagkatapos nilang magkaroon ng baby.


Bago sumabog ang hiwalayan nila, nagkaroon kami ng chance na makausap si Elisse sa contract signing niya bilang endorser ng beauty skin expert na si Cathy Valencia.


When asked kung ano ang na-discover ni Elisse about herself ngayong nanay na siya na 'di niya alam dati, inamin niya na hindi pala siya ganoon katapang na babae.


“Akala ko dati, matapang na ako in facing different life challenges. But now that I’m a mom, parang ngayon talaga nate-test na you don’t decide for yourself anymore, not for yourself anymore. But every decision talaga, kailangang pag-isipan, at ngayon nakikita kung gaano katatag ang mga nanay. Not just me but mga nanay in general. Hands down talaga,” pahayag ni Elisse.


Pero humaba raw ang pasensiya niya in dealing with a child, family and partner.


“Iba kasi ‘yung partner na boyfriend-girlfriend lang kayo sa mag-partner na may anak,” sey ni Elisse.


Ano ang pagkakaibang na-discover niya?


“Well first, I think, ‘yung mga simpleng arguments or away, hindi na puwedeng ‘yung nakita mong may negative trait, you can’t just say I don’t like that about him and leave. You really have to work on it. Kasi ngayon, we’re still working individually. So what we’re trying to do now is grow together. So, ‘yun ang nakita ko sa kanya, ‘yung patience niya,” sagot niya.


Inamin din ni Elisse na nagbago ang level ng love nila sa isa’t isa nu’ng nagkaroon sila ng anak.


“Yeah, I think it does. Kaso dati, parang kilig lang, very mababaw lang ‘yung type ng love or like parang ‘yung understanding nila sa isa’t isa.


“Now it’s more on kahit walang kilig, you know that you love each other. Parang 'yun kasi ang mas importante kapag mom and dad ka na.”


Tinanong namin si Elisse kung may plano na silang magpakasal ni McCoy at natawa lang siya.


“Well, that is the goal,” pagseseryoso ni Elisse. “But of course, parang realistically, we want to prepare. Kasi siyempre, because of the baby, honestly, it’s not prepared. ‘Yun naman talaga. So, ngayon, para mas maayos ang steps for the future, we have to prepare for something big like that.


But that’s really where it will lead naman. Parang no pressure lang din to anybody, ‘di ba?”


Muling natawa si Elisse nu'ng tinanong namin siya if true na nag-aaway sila ni McCoy.


“Normal naman po ‘yun. Normal naman na nag-aaway. But it’s really up to both the people in the relationship kung paano nila aayusin. Pero siyempre, ako kasi, as much as possible, I will do everything for the family, for our child, for him, gagawin naman daw talaga.”


Pagkatapos ay tinanong ulit namin siya kung si McCoy na ang lalaking pakakasalan niya.


“Ahahahaha! I don’t see anybody else,” tugon ni Elisse.


So, may balikan kayang magaganap? Sana!!!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page