top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Aray ko! Ganern, Dominic? ALDEN, PINATANDA PARA BUMAGAY KAY BEA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 25, 2022



Maraming viewers ng Start Up PH ang nakapansin na ginalingan nang husto ni Jeric Gonzales ang kanyang pagganap bilang si Davidson Navarro na kababata ni Dani (Bea Alonzo).


Lutang na lutang ang character ni Jeric kahit kaeksena niya sina Bea at Alden Richards.


Hindi siya natatabunan ng dalawang lead stars ng Start Up PH. Kaya niyang makipagsabayan kahit kanino sa cast.


Marami ang nakaka-relate at nakikisimpatya sa katulad ni Davidson na nagsikap maabot ang kanyang pangarap. Hindi siya basta sumuko kahit kapos sa buhay.


Samantala, napansin din ng mga fans ni Alden Richards ang pagbabago sa hitsura ng kanilang idolo. Bakit daw mukhang haggard at pina-mature si Alden?


May ilang netizens din ang nagsabing baka pinatanda si Alden upang bumagay at maging match sila ni Bea na kapareha niya sa Start Up PH.


Ayon naman sa ilang malalapit na kaibigan ni Alden, nagdyi-gym ngayon ang aktor upang maging fit ang pangangatawan. At kaya ginusto ni Alden na magbawas ng timbang ay upang magmukha siyang mature at bumagay kay Bea Alonzo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page