top of page
Search
  • BULGAR

Aray ko! Cassy, best friend lang daw talaga… DARREN, UMAMING NAGING GF SINA KYLINE AT JAYDA

ni Julie Bonifacio @Winner | April 17, 2024




Napaamin ni Boy Abunda ang host ng It’s Showtime na si Darren Espanto sa naging relasyon niya sa Kapuso star na si Kyline Alcantara sa programa ng King of Talk sa GMA-7, ang Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes.


Nag-guest si Darren sa late afternoon talk show ni Kuya Boy for the first time at idinetalye niya ang pagkikita nila ni Kyline sa It’s Showtime kamakailan. 


May “nakaraan” pala sina Kyline at Darren kaya ganu’n na lang kung tuksuhin sila sa It’s Showtime. 


Tinanong ni Kuya Boy si Darren kung naging sila ba ni Kyline.


“Hindi ko po masagot ng yes or no,” ngiting sabi ni Darren. 


Follow-up question ni Kuya Boy, “But there was?”


Tugon ni Darren, “Opo, before. When we were younger… in the past.”


It was a formal puppy love relationship daw.


Hanggang sa na-realize ni Kuya Boy kung bakit ganu'n na lang ang reaksiyon nina Kyline at Darren nu’ng binibiro sila ni Vice sa It’s Showtime. 


Sinabihan ni Kuya Boy si Darren na sabihin na ang anumang tungkol sa kanila ni Kyline.

“Hindi, kasi nga makukumpleto ko na po ‘yung sentence. Kasi nga, naging… kami… dati. So, ‘yun, kaya binibiro kami ni Ate Vice,” pag-amin ni Darren.


Tumagal daw ang relasyon nila ni Kyline ng one and a half year, hanggang nagkahiwalay din sila dahil daw sa misunderstanding. 


“And then, when we became matured…parang six years later, napag-usapan na namin. And uh, ‘yun po, eventually, we became okay with each other again. Naging friends na ulit,” esplika ni Darren.


Wala raw third party involved sa hiwalayan nina Darren and Kyline, purely misunderstandings lang talaga dahil mga bata pa nga sila noon.


Another revelation ni Darren kay Kuya Boy ay ang pagkakaroon din niya ng romantic relationship sa anak nina Dingdong Avanzado and Jessa Zaragosa na si Jayda. 


Tatahi-tahimik pero matinik pala sa chicks si Darren. Ang dami na pala niyang nakarelasyon na mga singers at magaganda pa, huh?


Going back to Kyline, for sure na-realize rin nila ni Darren ang pagkakaroon nila ng koneksiyon sa kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi. At pareho silang “nakatikim” ng isyu mula sa ina ng kambal na si Carmina Villarroel.


And speaking of Cassy, 'di pinalampas ni Kuya Boy na maurirat si Darren sa kung ano’ng nangyari sa CassRen. 


Sa Fast Talk segment pa lang ay sinabi na ni Darren na fake news ang kumalat na balitang nag-away sila ni Cassy. Nagulat na lang daw si Darren na may lumabas na nag-away sila. 


Samantala, nilinaw na raw niya sa mga interbyu sa kanya na best friends sila ni Cassy. 


“Ayun nga po, people kinda misunderstood the whole situation, so I messaged Cass right away na heto ang mga nangyayari, na nagugulat din ako sa nangyayari,” esplika ni Darren.


Humirit muli si Kuya Boy ng tanong kung ano ‘yung nami-misinterpret ng mga tao sa kanila ni Cassy.


“I don’t know actually. After that interview, I think there are some IG stories from Tita Carmina and Cass. And they kinda stitched it together and that’s where the comments, yes po, the netizens,” paliwanag naman ni Darren.


Para kay Darren, hindi patama sa kanya ang mga IG (Instagram) posts ng mag-inang Cass and Carmina. 


Pero sinabihan daw ni Darren si Cassy na kung galit ito sa kanya ay magsabi lang.

“Kasi, ganu'n naman po kami ever since, eh,” sambit ni Darren.


At ang sabi naman daw sa kanya ni Cassy, hindi ito galit sa kanya. And even her family ay wala raw ill-feelings sa singer-host.


Sa huli, pinaninindigan pa rin ni Darren na mag-best friends lang talaga sila ni Cassy.

Pero may pasubali sa dulo na kung anuman ang nangyari o nagkaroon pa sa kanila ni Cassy, sa kanya na lang daw ‘yun.

 


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page