Araw-araw, todo-displey ng loving-loving sa socmed…ELLEN AT DEREK, NAKAKAUMAY NA!

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 12, 2021

Pagkatapos ng sunud-sunod na pagpo-post sa social media ng mga larawan nina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa kanilang mga ganap sa buhay na humantong sa kanilang pag-amin sa kanilang relasyon, medyo may umay at sawa factor na ang mga netizens.
Hindi na sila nae-excite kung ano pa ang susunod na gagawin ng dalawa, unless siguro mag-announce si Ellen na buntis na siya at si Derek ang ama. At kung may biglaang statement din si Ramsay na pakakasalan na niya ang sexy star dahil buntis na ito.
Alinman sa mga nabanggit na sitwasyon ay pag-iinteresang malaman ng publiko. Pero, kung ang ipo-post lang nila ay ang tungkol sa kanilang road trip at dinner parties kasama ang mga kaibigan, hindi na ito pag-aaksayahan ng panahon ng mga netizens, lalo na't wala namang naging reaction at pahayag sina Andrea Torres at John Lloyd Cruz na exes nina Derek at Ellen.
Pareho nang nananahimik ngayon sina Andrea at JLC. Career ang kanilang prayoridad at hindi ang mga nakaraang relasyon nila.





Comments