Araneta Coliseum, pupunuin…PRODU NG CONCERT NI TONI, GAGAWIN LAHAT 'WAG LANG LANGAWIN
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 12, 2023

Kahit na ano pang paninira at panlalaglag ang gawin ng mga bashers-haters kay Toni Gonzaga, naniniwala kaming muli niyang mapupuno ang Araneta Coliseum sa kanyang darating na 20th anniversary concert na gaganapin sa Jan. 20.
Nataon pa na kaarawan 'yun mismo ni Toni kaya tiyak na bongga at espesyal ang mga production numbers na kanilang inihanda para sa kanyang mga fans at supporters.
At dahil isa si Joed Serrano ng Godfather Productions sa mga producers ng concert katuwang si Mommy Pinty Gonzaga na ina ni Toni, tiyak na mapupuno ang Araneta Coliseum sa I Am Toni concert.
Marami nang nai-produce na concerts si Joed (local and foreign artists) at kumita ang lahat ng ito.
Sa ilang taon na ng pagiging concert producer ni Joed ay kabisadung-kabisado na niya ang diskarte kung paano kikita at magugustuhan ng publiko ang isang concert.
For sure, hindi magiging flopsina ang I Am Toni concert ni Toni Gonzaga. Balita namin, may special production number na gagawin sina Toni at Alex Gonzaga.
Magge-guest din kaya si Piolo Pascual na naging malaking bahagi sa career ni Toni? 'Yun tiyak ang aabangan ng lahat.





Comments