top of page
Search
  • BULGAR

Araneta Center bus terminal, sarado

ni Lolet Abania | October 30, 2020




Tigil-operasyon ang istasyon ng bus sa Araneta Center, Cubao, Quezon City simula ngayong araw kasabay ng isang linggong pagsasara ng mga sementeryo mula October 29 hanggang November 4 upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa panahon ng Undas.


Gayundin, walang makikitang nakapila, kung saan mga security guards lang ang naiwan at nagbabantay sa naturang terminal na patuloy namang nagpapatupad ng minimum health standard sa lugar.


Gayunman, ayon sa mga guwardiya, wala pang ibinigay na impormasyon ang kumpanya kung kailan ibabalik ang biyahe ng ruta ng mga provincial bus.


Samantala, inatasan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año ang lahat ng local government units (LGUs) at mga hepe ng pulisya na tiyakin na ang lahat ng pribado at pampublikong sementeryo, memorial parks, at columbarium ay sarado sa panahon ng Undas at walang papayagan na magsagawa ng mass gatherings sa iba’t ibang lugar.


Dagdag ni Año, inutusan din niya ang mga police commanders na maglibot sa bawat barangay sa bansa at alamin kung nasusunod ang ipinatutupad na quarantine protocols.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page