ARA, NAGSALITA NA SA LAGAY NG RELASYON NILA NG MISTER
- BULGAR
- Apr 13, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 13, 2023

Bago nag-Holy Week ay nagbahagi ng sunud-sunod na cryptic posts si Ara Mina sa kanyang Instagram account na ikinaalarma ng mga netizens at mga kaibigan ng aktres dahil mukhang may problema raw ang married life nila ng mister na si Dave Almarinez.
Ang unang nakakaintrigang post ni Ara, "LORD PLS... PLS. GUIDE ME... I’M SOMEWHERE BETWEEN GIVING UP AND SEEING HOW MUCH MORE I CAN TAKE."
Isa pang post na "There's a difference between giving up and knowing when you've had ENOUGH."
At ang huli ay isang Bible verse mula sa Philippians 4:13, "I can do all things through Him who strengthens me. Amen."
Natanong si Ara ng malapit niyang kaibigan nitong nakaraang Easter Sunday kung may pinagdaraanan daw ba sila ng kanyang asawa.
Sagot ng aktres, "Uso ata ang cryptic post. Hahaha! Actually, wala akong idea sa mga cryptic posts ng iba, hindi kasi ako updated."
Paliwanag pa niya, "General kasi 'yung quote ko. Akala tuloy nila, para kay Dave. Hindi, 'no! I’m just referring to a friend,” paglilinaw niya.
"Actually, mahilig lang talaga akong mag-post ng mga quotes. They can check #AraMinasFaveQuote sa IG.
"Naisip siguro nila na para kay Dave, kasi nga meron ding ibang may pinagdaraanan. And, if ever na may problema kami, we solve it privately and actually, mga petty quarrels lang naman 'yun, minsan. Hahaha!" paliwanag ni Ara.
Hindi naman daw nangangahulugan na kapag may mga ganu'n siyang posts ay patungkol na agad sa asawa niya.
"I’m a happy wife! Pasensiya na sa mga nag-worry. Ang dami ring nag-message sa akin, actually. Pero, 'di ko na ma-explain sa socmed ko kasi nag-Holy Week na," pagtatapos ni Ara.





Comments