top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

ARA, AMINADONG NAWAWALAN NA NG PANAHON SA MISTER NA SI DAVE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 8, 2023
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 8, 2023



Labis ang kagalakan ni Ara Mina sa bago niyang magazine show na Magandang ARAw na mapapanood na sa NET 25 simula sa Hulyo 15, Sabado, sa ganap na 3-4 PM.


Sa loob kasi ng 30 years ni Ara sa showbiz career niya ay walang nag-alok sa kanya ng ganitong klaseng programa na bata pa lang siya ay pinangarap na niyang maging host dahil sa idolo niyang si Oprah Winfrey.


Nasambit daw niya sa sarili na, “Sana someday, magkaroon ako ng ganyang show."


"So, after 30 years, nangyari nga because of NET 25," masayang sabi ni Ara.


Kaya labis-labis ang pasasalamat ni Ara kina Mr. Caesar Vallejos, presidente ng NET 25, at Ms. Wilma V. Galvante, content consultant ng nasabing TV network.


Ano ba ang pagkakaiba ng Magandang ARAw sa ibang magazine shows sa ibang network?


“Gusto po namin, kapag pinanood ninyo kami ay gaganda ang araw n’yo. It’s about life, it’s about health, it’s about wellness at marami po tayong ise-share na tips lalo na nowadays, paikli nang paikli ang buhay ng mga tao. Tips for travels, siyempre, pagpapaganda. Marami pa pong puwedeng i-tackle


“At saka ‘yung mga artistang ige-guest ko rito ay ita-tackle nila ‘yung hindi the usual na alam ng tao na may ibang talent sila na hindi nakikita."


Sa pilot episode ng Magandang ARAw ay si Piolo Pascual ang guest ni Ara na may part 1 and part 2 kaya’t excited ang TV host-actress sa nalalapit na pagsisimula ng show.


“And because it’s a dream project (solo show), it’s a dream come true also na makasama ko si Piolo. May revelation, kasi hindi alam ng tao na magkaibigan kami ni Piolo. We’ve never work but nagkasama kami before sa That’s Entertainment na hindi rin kami matagal na nagkatrabaho ru'n, but we’re friends,” esplika ni Ara.


Sa nasabing launching ng Magandang ARAw ay isinabay na rin ni Ara ang pasasalamat niya sa entertainment press na nakasama niya sa loob ng 30 years dahil ang tagal niyang hindi nakasama ang mga ito, kaya’t inimbitahan niya ang lahat ng nakatulong sa kanya.


Diin niyang sabi, “Huwag na huwag ninyong kalimutan ang mga taong unang nakatulong sa inyo noong nagsisimula pa lang kayo sa career ninyo no matter what.”


No wonder, kahit ilang bagyo na ang dumaan sa buhay ni Ara, hindi siya nawala sa harap ng kamera na kahit kasagsagan ng pandemya ay may trabaho siya, samantalang ang iba ay wala, kaya labis ang pasasalamat niya dahil may mga nagsusulat sa kanya.


At tuluyan nang tumulo ang luha ng aktres-TV host, “Natutuwa ako kasi nandito kayo. Sabi ko, hindi lang media launch kasi nami-miss ko ‘yung dati na naging part kayo ng career ko for 30 years, sa buhay ko, kaya hindi puwedeng wala kayo rito.”


Kaya palakpakan ang lahat ng entertainment media na dumalo sa Magandang ARAw mediacon dahil hanggang ngayon ay binibigyan nito ng importansiya ang press.


“Aminin natin, nagbago ang landscape ng entertainment, sobrang laking pagbabago. Kayo ang tumutulong sa mga artista, kayo ang lifeline ng mga shows, ng mga artista, kaya nandidiyan pa rin sila. Kaya thank you, thank you, guys, nandidiyan pa rin kayo,” emosyonal na sabi ni Ara.

At tungkol naman sa show ay aminadong super-hirap siya.


“To be honest, may mga kasama ako pero minsan TC (talent coordinator), minsan location manager, writer, may episode na ako ang direk at minsan, cameraman, kasi sinasabi ko kung ano'ng anggulo ang kukunan. Talagang umiiyak na ako minsan. Hindi pala madaling gumawa ng show na sabi, talk show lang ito, pero hindi ganu’n kadali. Sobrang madetalye, pati editing, nakikialam ako. Sorry, ha, naging emosyonal ako kasi finally, nai-launch na ito kasi sobrang effort ako sa show na ito, ang dami kong natutunan,” pagtatapat ni Ara.


Inamin niyang wala na siyang panahon sa asawang si Dave Almarinez.


“Wala na po akong time sa asawa ko, kasi madaling-araw kung umuwi ako, tapos pagdating ko (sa bahay), busy pa ako sa cellphone ko kung ano ang ipi-preview kong episode. Tapos, magbo-voice over ako sa telepono, tapos, ipapasa pa ako, maghahanap pa ako ng location, magpapa-revise pa si Tonipet (Gaba, executive producer), tapos magpapa-revise pa si Tita Wilma.


“Buti na lang, supportive ang asawa at anak ko, si Mandy, kaya sobrang pasalamat ako talaga sa kanila,” kuwento ni Ara.


Hindi lang entertainment media ang nagmamahal kay Ara dahil napakarami niyang sponsors na mahigit-kumulang sa 20 brands na talagang ikinagulat ng lahat, kaya naman super enjoy ang lahat ng dumalong press dahil hindi na halos magkandarapa sa pagbitbit ng giveaways at premyong napanalunan sa raffle.


Good luck, Ara, sa Magandang ARAw sa NET25.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page