top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Aprub na ang chacha, ngayon talaga?

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 5, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | June 05, 2021



Aprubado na raw ang ChaCha sa Kamara ng mga Representante.


Lintek, nagkakagutom na, ChaCha pa rin nang ChaCha!


◘◘◘


Pinagtibay ang Bayanihan Act 3 pero kakarampot na tig-P1-K lang ang ayuda na ibibigay sa mga biktima ng COVID.


Ginagawa lang timawa ang mamamayan gayung umabot na sa P10 trilyon ang utang ng bansa.


Saan ‘yan dinadala?

◘◘◘


TULALA pa rin at nagtutulug-tulog ang mga opisyal nang bansa.


Wala sila sa maayos na katinuan at hindi nakakapag-isip ng epektibong solusyon.


Gising, gising, gisinggg!


◘◘◘


SA gitna nito, may good news pa rin na dumarating.


Pero, alam ba ninyo na ang orihinal na batas na Bayaninan 1 to Heal As One Act ay kinilala ng mga eksperto bilang “global best practices” kontra COVID?


◘◘◘


APAT na bansa lamang sa daigdig ang ginawaran ng ganyang pagkilala.


Kasama ng Pilipinas ang Australia, Norway at Peru bilang may pinakaepektibong iskema kontra COVID.


Ang pagkilala ay ginawa ng Internatioanl Budget Partnership o IBP.


Ito ay independent watchdog na nagtataguyod sa transparent, inclusive, at accountable budget process ng mga pamahalaan sa buong mundo!


◘◘◘


SA isang ulat noong Mayo ng IBP, pinuri nito ang Pilipinas sa pagsisikap na harapin ang pandemya ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagsasabatas sa Bayanihan 1, partikular na ang lingguhang ulat upang masigurong maipatutupad ng maayos ang mga programa sa COVID response.


Ang original na Bayanihan 1 ay naisabatas sa panahon ni dating Speaker Alan Peter Cayetano!


◘◘◘


MAAALALA natin na isinagawa ang unang hybrid session sa kasagsayan ng COVID kung saan dumalo nang pisikal ang iba at ang ilan ay nag-zoom o online conference naman.


Ang Bayanihan 1 To Heal as One Act ay naglaan ng P275 bilyon para sa Social Amelioration Program (SAP) at nabiyayaan ang sa milyun-milyong pamilyang Pilipino!


◘◘◘


GINAMIT din ang badyet sa pambili ng PPE ng mga frontliners, testing kits, medical supplies at pagtatayo ng mga quarantine facilities at isolation centers para sa mga COVID-19 patients.


Ito ay nagbigay ng kapangyarihan kay P-Duterte na harapin ang pandemya sa pamamagitan ng re-align, reallocate at reprogram ng kaban ng bayan laban sa COVID-19!


◘◘◘


MATAPOS ang Bayanihan 1, isinabatas din noong nakaraang taon sa liderato ni Cayetano sa kamara ang Bayanihan 2 na follow-up stimulus package sa Bayanihan 1.


Pero, nakapagtatakang makupad at walang outstanding provision ang Bayanihan Act 3 dahil sa kakarampot na tig-P1,000 ayuda lamang!


◘◘◘


SAAN makararating ang P1-K?


Bakit, hindi ito palobohin gayung may sapat-sapat na pondo para rito?

Bakit kaya?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page