Aprub kay Matteo… SARAH-JOHN LLOYD, MAS KLIK KESA SA BEA-JOHN LLOYD
- BULGAR
- May 28, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 28, 2023

Mas marami ang natuwa at na-excite sa balitang gagawa ng pelikula at muling magsasama sa isang project sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.
Mas okey daw ito kumpara sa reunion movie nina Bea Alonzo at JLC na unang pinlano.
Mas may kilig pa rin sa moviegoers ang tambalang Sarah-Lloydie at marami ang nanghihinayang na hindi sila nagkaroon ng relasyon sa kabila ng apat na pelikula ang kanilang pinagsamahan.
Si Sarah ang sinasabing TOTGA (the one that got away) ni John Lloyd. Kaya kahit nag-asawa at nagpakasal na si Sarah kay Matteo Guidicelli ay marami pa rin silang fans and supporters ni Lloydie.
Mas kikita raw sa takilya ang Sarah-John Lloyd movie kesa sa Bea-JLC.
Hindi nagbago ang paghanga ng mga loyal Popsters kay Sarah Geronimo. Kaya, tuwang-tuwa sila sa desisyon ng Viva Entertainment na muling pagsamahin sina Sarah at Lloydie sa isang pelikula.
At hindi rin siguro magiging hadlang at tututol si Matteo Guidicelli dahil trabaho lang naman ito. Gusto lang pagbigyan ni Sarah ang mga fans nila ni Lloydie.





Comments