top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Apoy ang dapat patayin, hindi kailangan ng baril ng mga bumbero

  • BULGAR
  • Aug 6, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 06, 2021


KAPAG PARA SA AYUDA, WALANG PONDO PERO SA BARIL NG MGA BUMBERO, MAY BUDGET—Inaprubahan na ng mga pro-Duterte senators and congressmen ang priority bill ni P-Duterte na armasan o bigyan ng baril ang mga bumbero.


Ganun? Kapag sa ayuda para sa mamamayang apektado ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic ay walang pondo, na kesyo hahanapan pa raw, pero kapag pondo para pambili ng baril ng mga bumbero ay may budget? Mga buwisit!


◘◘◘


DAGDAG-FIRE TRUCKS ANG IBIGAY SA MGA BUMBERO, HINDI BARIL—Pinutakti ng batikos ang Duterte gov’t. dahil mas binigyan pa ng prayoridad ang pagbili ng baril para sa mga bumbero kaysa sa pagbili ng mga trak na pamatay-sunog kasi sa totoo lang, kulang ang mga fire trucks na nakatalaga sa mga fire stations.


Mababatikos talaga kasi apoy ang kalaban ng mga bumbero, tapos baril ang ibibigay ng Duterte gov’t. sa mga bumbero imbes na dagdag-fire trucks, boom!


◘◘◘


SEN. BATO, MAS NAAAWA SA MGA BUMBERO KAYSA SA MGA NASUNUGAN—Sabi ng isa sa mga alagad ni P-Duterte sa Senado na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, kaya nila inaprub ang kagustuhan ng pangulo na armasan ang mga bumbero ay para may proteksiyon sila kasi nakakaawa ang mga bumbero dahil maraming tao ang nagiging unruly sa mga lugar na may nagaganap na sunog.


Pambihira, imbes na sa mga kababayan nating nasunugan maawa ang gobyerno, sa mga bumbero naaawa, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


HUWAG SANANG MAY MABALITA NA BUKOD SA NAPATAY NA APOY, MAY NAPATAY DIN NA TAO ANG MGA BUMBERO—Sa totoo lang, hindi katanggap-tanggap na armasan ang mga bumbero dahil baka maging abusado ang mga ‘yan sa tungkulin kapag may baril na.


Hay naku, huwag naman sanang mangyari na may mabalitaan tayo na bukod sa napatay na ng mga bumbero ang apoy sa mga nasusunugan na bahay ay may napatay din silang taong “unruly”, tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page