Aplikasyon sa accreditation ng MTPP, start sa Aug. 5 — LTFRB
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | July 31, 2026

Photo: File Motorcycle / MMDA
Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sisimulan sa Agosto 5 ang accreditation ng mga Motorcycle Taxi Platform Providers (MTPPs), kasabay ng muling pagtanggap ng aplikasyon para sa Provisional Authority to Operate ng mga motorcycle taxi rider.
Nakabatay ang accreditation ng mga platform provider at pag-apruba ng provisional authority sa rider cap na itinakda ng Motorcycle Taxi Technical Working Group para sa bawat MTPP.
Nilinaw din ng ahensya na hindi muna tatanggap ng mga bagong motorcycle taxi platform provider dahil limitado ang mga available na slot at nakalaan lamang ito sa mga kumpanyang dati nang pinayagang lumahok ng Technical Working Group.
Ayon kay LTFRB Chairperson Vigor Mendoza, layunin ng hakbang na matiyak ang maayos at sistematikong operasyon ng motorcycle taxi bilang bahagi ng pampublikong transportasyon.





Comments