Apelyido ng mister, tinanggal sa IG… HEART, TAMEME PA SA HIWALAYAN NILA NI CHIZ
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 12, 2022

Usap-usapan naman sa social media ang alegasyong hiwalay na umano ang mag-asawang Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.
Kumalat ang tsismis dahil napansin umano ng mga followers ni Heart na pinalitan nito ang kanyang Instagram bio o profile information.
Ang unang gamit daw ni Heart ay ang full name na Love Marie Ongpauco Escudero.
Pero, nito raw Wednesday ay napansin ng mga followers na omitted na ang maiden name ng Kapuso actress, ang Ongpauco at maging ang surname ng kanyang husband na Escudero.
Ang nakalagay na lang daw sa kanyang bio ay Love Marie.
Espekulasyon tuloy ng kanyang mga fans, may hindi magandang nangyayari sa kanilang marriage ni Sen. Chiz at nagkaroon ng mga pagdududang hiwalay na ang dalawa.
Pero sa bio raw ni Heart ay naka-include pa rin ang “wife” at ang photos nila ng senador ay visible pa rin sa kanyang Instagram page.
Sa bagay na ito, wala pa namang komento si Heart sa naglalabasang espekulasyon hinggil sa kanila ng asawang senador.





Comments