top of page

Apela sa kasong kriminal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 55 minutes ago
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | January 16, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Napawalang-sala ng korte ang taong pumatay sa anak namin. Ayaw naming sukuan ang kaso niya. Hindi kami sang-ayon sa hatol, maaari ba naming iapela ito? Eloy



Dear Eloy,


Ang apela ay nagpapahintulot sa mga litigante na humingi ng pagsusuri sa mas mataas na hukuman ukol sa desisyon ng mababang hukuman o ng quasi-judicial body. Nagsisilbi itong mekanismo upang matiyak na ang mga pagkakamali sa pagpapahalaga ng mga pangyayari o ng batas (errors of fact or law) ay maitama, at matamo ang hustisya.


Sa mga kasong kriminal, ang Estado ang nasaktang partido at ang interes ng pribadong nagrereklamo ay limitado sa sibil na pananagutan na nagmumula rito. Kaugnay nito, tinalakay ng ating Korte Suprema, sa panulat ng Honorable Chief Justice Diosdado M. Peralta, sa kasong Lydia Cu vs. Trinidad Ventura, G.R. No. 224567, 26 Setyembre 2018, na karaniwan, tanging ang Office of the Solicitor General (OSG) lamang ang maaaring umatake sa kriminal na aspeto ng kaso kaugnay ng pag-apela:


In Mobilia Products, Inc. v. Umezawa, the Court ruled that in criminal cases, the State is the offended party and the private complainant's interest is limited to the civil liability arising therefrom, thus: 


Again, jurisprudence holds that if there is a dismissal of a criminal case by the trial court, or if there is an acquittal of the accused, it is only the OSG that may bring an appeal on the criminal aspect representing the People. The rationale therefore is rooted in the principle that the party affected by the dismissal of the criminal action is the People and not the petitioners who are mere complaining witnesses. For this reason, the People are deemed as the real parties-in-interest in the criminal case and, therefore, only the OSG can represent them in criminal proceedings pending in the CA or in this Court.


Ipinaliwanag dito na ang katwiran sa nasabing pasya ay nag-ugat sa prinsipyo na ang partidong apektado ng pagpapawalang-sala ng akusado sa aksyong kriminal ay ang People of the Philippines, at hindi ang indibidwal na nagrereklamo, na tumatayong saksi lamang. Sa kadahilanang ito, ang People of the Philippines ay ang itinuturing na real party-in-interest sa kasong kriminal; samakatuwid, ang OSG lamang ang maaaring kumatawan sa kanila ukol sa kriminal na aspeto ng paglilitis sa korte. 


Sa gayun, hindi makapaghahain ng apela, patungkol sa hatol ng korte na pagpapawalang-sala sa akusado, nang walang pagsang-ayon ng OSG. Sa kabilang banda, maaari kayong maghain ng aksyon na limitado lamang sa sibil na pananagutan ng akusado.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page