Apektado sa Tito vs. Kiko sa pagka-VP… CIARA, DEDMA NA SA MGA POSTS NI SHARON KAHIT I-TAG PA
ni Nitz Miralles - @Bida | January 18, 2022

Nami-miss ng mga fans ni Sharon Cuneta na makabasa ng comment ng pinsan niyang si Ciara Sotto kapag nagpo-post si Mega tungkol sa relatives niya sa mother side.
Nag-post kasi si Sharon ng old photos ng mom niya at ng Tita Helen Gamboa niya at may caption na “My Mama Helen and my Mommy. My two Mamas” at naka-tag sina Senate President Tito Sotto at mga anak nila ni Helen kabilang nga si Ciara.
Napansin ng follower ni Sharon na walang reaction si Ciara, kaya sabi nito, “Before when Sharon tags Ciara and the rest on her post, they will give comments right away. Praying for all of them. Family is forever.”
May nag-comment pa ng “When this election is over po, I wish to see you on Ms. Pinaypole’s YT channel with Ms. Helen.”
Mukhang naapektuhan nga ang dalawang pamilya na parehong tumatakbong vice-president sina Tito Sen at Sen. Kiko. Ito ay kahit nabanggit ni Sen. Kiko na nag-reach out siya kay Tito Sen at okay daw sila.
Nabanggit din ni Tito Sen sa isang interview na apektado ang pamilya niya na magkalaban sila ni Sen. Kiko sa parehong posisyon, pero siya ay hindi apektado.
Tinanggap niya ito na parte ng pulitika at sabi pa nga, ang election ay isang araw lang, ang pamilya ay forever.
Sana nga, anuman ang maging resulta ng elections sa May 9, 2022, magkasundo ang mga pamilya na pinaghiwalay ngayon dahil sa pulitika.





Comments