top of page

‎Apektado ng gulo sa Middle East... OFWs, magpasaklolo sa app at hotline — OWWA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 5
  • 1 min read

ni Gina Pleñago @News | March 5, 2026



OWWA Overseas Workers Welfare Administration para sa mga OFWs repatriation

Photo: OWWA Overseas Workers Welfare Administration



Nanawagan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa overseas Filipino workers (OFWs) na apektado sa nagaganap na kaguluhan sa Middle East na hangga't maaari ay makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng egov app at kanilang hotline number.


‎Para matugunan ang kanilang mga kinakailangang assistance at agarang repatriation para sa kanilang kaligtasan.


Ayon sa OWWA, may kabuuang bilang na 1,416 OFWs na ang kasalukuyang nag-file ng kanilang mga repatriation request mula sa magkakaibang lugar sa Middle East partikular sa Abu Dhabi at Dubai.


‎Matagumpay namang napauwi sa kanilang mga lalawigan ang ilan sa mga OFW na na-stranded sa Hong Kong International Airport ng mga nakaraang araw na patungo sana sa Dubai.


‎Samantala, nananawagan din ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga Manning Agencies na hangga't maaari ay pauwiin na ang mga Pinoy seafarers na kasalukuyang nasa Middle East.


‎Ito ay upang matiyak ang kanilang kaligtasan at maiwasan ang anumang trahedya na maaaring mangyari sa gitna ng karagatan.


‎Sa ngayon wala pang eksaktong bilang ng mga Pinoy seafarers na inihayag ang DMW ngunit tinitiyak nila na matutugunan ang bawat pangangailangan ng mga ito sa oras na sila'y makauwi sa bansa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page