top of page

Apektado ng gulo sa Middle East... OFW, puwede nang i-withdraw ang ipon sa Pag-IBIG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12 hours ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | April 7, 2026



Repatriated OFW - Bongbong Marcos / FB

Photo: Bongbong Marcos / FB



Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang “special benefits package” na magpapahintulot sa mga umuuwing overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Middle East na makapag-withdraw agad ng kanilang ipon mula sa kanilang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo.


Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na sa ilalim ng specialty package ng Pag-IBIG maaari nang ma-access ng mga kwalipikadong OFW ang kanilang Pag-IBIG savings kung kakailanganin.


“Ibig sabihin ay puwede nang i-withdraw ng mga qualified beneficiaries ang 100 percent ng kanilang regular savings kasama ang employee share, employer share at dividends earned kahit hindi pa sila umabot sa 20-year maturity,” pahayag ni Castro sa Palace briefing.


“Maaari na rin nilang i-withdraw ang aabot sa 100 percent ng kanilang modified Pag-IBIG 2 o mas kilala sa tawag na MP2 Savings kasama na ang kinitang interes bago pa man ang five-year maturity nito,” aniya.


“Puwede ring mag-avail ang mga nasabing OFW ng three-month moratorium sa kanilang Pag-IBIG housing payments na walang dagdag na interes o penalty, ie-extend na lamang ang loan term ng tatlong buwan, walang dagdag na babayaran,” saad pa ni Castro.


Nabatid na ang bagong package ay tutulong sa mga OFW na tumatakas mula sa sigalot sa pagitan ng puwersa ng US-Israeli at Iranian upang makapagsimulang muli sa

Pilipinas.


Ayon naman kay Human Settlements and Urban Development’s Secretary Jose Aliling, napapanahon ang benefits package na ito upang makabangon ang ating mga bayaning OFW na lubos na naapektuhan ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page