top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Anyare?!!! KRIS, IMBES MGA UTOL, SI ANGEL ANG KASAMA SA OSPITAL

BULGAR
Mar 16, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 16, 2022



Labis na ipinagtataka ng mga netizens kung bakit si Angel Locsin pa ang sumama kay Kris Aquino para sa kanyang pagpapa-check-up sa ospital? Ito ba ay hiniling mismo ni Kris kay Angel o si Angel ang nag-volunteer na samahan si Kris?


May mga kapatid namang babae si Kristeta at super close naman sila ng panganay niyang kapatid na si Ballsy. 'Di ba dapat, sa kalagayan ngayon ni Kris ay ang kanyang mga kapatid ang kasa- kasama niya at karamay upang mabigyan siya ng moral support?

May gap ba si Kris at ang kanyang mga kapatid? Bawal din bang dalawin si Kris ng kanyang mga kaibigan tulad nina Kim Chiu, Erich Gonzales, K Brosas, Pokwang, atbp.?


Para naman kasing nakakaawa ang kalagayan ni Kris na ulila na ngang lubos, bihira pang makasama ang kanyang mga kapatid.


Naalala tuloy ng marami na ang kanyang Kuya Noynoy Aquino ay namatay na wala man lang kapatid-kaanak na kasama sa huling sandali ng kanyang buhay. Tanging ang matapat at matagal na kasambahay-yaya ang nakasaksi sa mga huling araw ng dating pangulo. Inilihim daw kasi nito ang kanyang karamdaman sa kanyang mga kapatid.


At least si Kris, hindi iniiwan ng kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page