top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Any moment daw, puputok na… ANGELICA, SA MANILA MANGANGANAK, 'DI SA SUBIC

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 30, 2022
1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 30, 2022


Nakakatuwa ang pa-nursery tour na latest vlog ni Angelica Panganiban sa kanyang YouTube channel. Tawa nang tawa si Angelica at ang kumukuha ng video niya na si Direk Andoy Ranay sa vlog na sobrang ikinaaliw ng YT subscribers ng aktres.


Si Direk Andoy ay isa sa mga pinakamalapit na kaibigan ni Angelica. At dahil d’yan, tumira na rin sa Subic si Direk Andoy at magkapitbahay sila nia Angelica. And by the way, kinumpirma rin ni Angelica sa kanyang vlog na isa sa mga ninong sa kanyang baby girl si Direk Andoy.


Naiayos na ni Angelica ang kuwarto ng first baby nila ng partner niyang yacht businessman na si Gregg Homan. Karamihan sa mga gamit ng baby ay naipuwesto na ni Angelica sa mga lagayan.


At kapag maayos na ang posisyon ng mga damit at gamit ng kanilang baby girl ay saka niya lilinisan lahat.


Gusto raw muna kasi ni Angelica na mailagay sa tamang lagayan ang mga gamit at damit ng kanilang baby bago nila labahan at i-disinfect.


Para paglabas ng baby nila ay malinis na lahat at ilalagay na lang ang kanilang first-born.


Sa kanyang latest vlog ay ini-reveal ni Angelica na hindi siya sa Subic manganganak kundi sa Manila.


Recently ay nag-pictorial pa si Angelica na ipinost niya sa kanyang Instagram. Ang laki-laki at bilog na bilog ang kanyang tiyan. Marahil, any moment ay magpa-pop-out na ang baby sa tiyan ng aktres.


And so, most probably ay wala na sa Subic si Angelica with Gregg, of course, at nasa Manila na sila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page