top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Anti-Flu at Anti-Pneumonia vaccines, dapat inililibre ng gobyerno

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 24, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | October 24, 2021



HINDI na mapipigil ng mga awtoridad at buwitreng ospital, maglalaho nang bigla ang COVID-19.


Marami ang hindi naniniwala sa propaganda at pananakot!


◘◘◘


NORMAL na ang buhay sa mga lalawigan.


Taga-gobyerno na lang ang abnormal!


◘◘◘


NALUGMOK ang ekonomiya hindi dahil sa COVID-19, bagkus ay nawalan ng kabuhayan ang populasyon dahil sa kamangmangan ng mga awtoridad.


Hindi dapat pinagtagal ang lockdown!


◘◘◘


DAPAT inilibre ng gobyerno ang anti-flu at anti-pneumonia vaccines sa simula nang pandemya.


Available ang anti-flu at anti-pneumonia vaccines sa buong mundo, pero hindi ito ibinigay ng gobyerno sa mamamayan!


◘◘◘


ANG anti-flu at anti-pneumonia vaccines ay aktuwal na nagkakabawas sa severe cases at death sanhi ng gobyerno.


Ang bagay na ‘yan ay inilihim ng WHO at mga awtoridad.


Guilty sila sa kasalanang walang kapatawaran!


◘◘◘


NAGKAKAMAL ngayon ng salapi ang mga distributor ng experimental COVID vaccines.


Bundat din ang mga signatories sa kontrata!


◘◘◘


NAGKAMAL din ng salapi ang mga buwitreng ospital na naniningil nang sobra-sobra sa mga pasyente.


Hindi rin naresolba ang talamak na korupsiyon sa PhilHealth!


◘◘◘


BILYONES ang napasakamay ng mga LGU executives dahil sa pondo, inilalabas kaugnay ng pandemic.


Walang kakayahan ang COA na mai-audit nang maayos ang trilyun-trilyong transactions sa buong bansa!


◘◘◘


NANANATILING Public Enemy No.1 ang graft and corruption, ikalawa lamang dito ang illegal drugs.


Suko na si P-Digong sa isyu ng korupsiyon at aminadong nananatili pa rin ang mga drug lords na karaniwang kakutsaba ang mga law-enforcers!


◘◘◘


ANG mga kandidato ay nananatiling nambobola sa pagsasabing ireresolba ang korupsiyon at illegal drugs.


‘Ereng mga botante, nagpapabola naman palagi!


◘◘◘


LAMPA at inutil ang Konstitusyon na protektahan ang mamamayan laban sa mandarambong sa kaban ng bayan.


Walang pangil ang probisyon sa Konstitusyon kaugnay sa talamak na graft and corruption!


◘◘◘


BIGO ng mga hukuman kasama na ang Supreme Court, Ombudsman at Sandiganbayan na bawasan at mapigil ang pagnanakaw sa kaban ng bayan.


Walang silbi rin ang Commission on Audit at Civil Service Commission na ilantad ang katiwalaan sa loob ng burukrasya!


◘◘◘


MANGMANG din ang mainstream media sa paglalantad ng mga katiwalaan dahil wala silang alam at karanasan sa proseso at modus-operandi ng mga kawatan sa pamahalaan.


Hindi kailanman masusugpo ang korupsiyon dahil nakabaon ito sa loob mismo ng demokratikong gobyerno!


◘◘◘


NAG-UUGAT lahat nang ito sa paglabag sa election code at imoralidad sa panahon ng halalan.


Lantaran ang vote buying gamit ang sari-saring estilo!


◘◘◘


AMINADO ang Comelec na wala silang kakayahan na pigilin ang electioneering.


Ito ay ang imoralidad na proseso sa pangangampanya!


◘◘◘


NALIPASAN na ang mga probisyon sa Konstitusyon at mga umiiral na batas dahil nakapundasyon ito sa sinaunang panahon, dalawang libong taon na ang nakakaraan.


Dapat inobasyon ng batas sa panahon ng ultra-modernong kalipunan ng mga tao!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page