Ano 'to, Heart? KALAT NA: SEN. CHIZ, MAY NABUNTIS
- BULGAR
- Aug 21, 2022
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | August 21, 2022

Lukang-luka ang mga netizens sa post ni Heart Evangelista na kinagagalitan niya ang alagang aspin (asong Pinoy) na si Panda (na ang ibinigay nitong pangalan ay Maria Panda Ongpauco Escudero) dahil kinain nito ang poop ng pusang si Mina.
Tanong ni Heart kay Panda, “Bakit mo kinain 'yung tae ng pusa!?” base sa video post ng aktres nitong Agosto 19 habang pinagsasabihan ang alaga.
Maraming nag-like mula sa mga followers niya at ang komento ni Heart na kunwari’y sagot ni Panda, “Shyet. Nahuli ako! Kasi naman 'noh, sa Shangri-La, may eat all you can buffet I thought it was caviar! Noted Mom, 'di na maulit.”
Tila nangangatwiran ang fur baby ni Heart pero sagot nito, “I did not expect that from you.
I didn’t expect that from you. I thought I raised you well. Why did you eat the poop of Mina?
Bakit mo ginawa iyon? Hahalikan pa naman kita, ha! Paano iyon?! Paano iyon, why?”
Sabay halik ni Panda sa bibig ni Heart, “Tsk! My God, may paganu'n-ganu'n ka pa? Bakit mo kinain 'yung tae ng pusa? Yuck! Girl, ha, hindi nakakasosyal.”
Samantala, may sitsit na tampuhan talaga sina Heart at Senator Chiz Escudero mula nang tanggalin na ng aktres ang surname ng mister sa kanyang Instagram account, pero may nakalagay namang ‘wife’.
Sa Showbiz Update vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh ay napag-usapang tila may nabuntis diumano si Sen. Chiz.
“Ang daming nagtatanong sa akin ‘Nay kung ang rason daw ba ng kanilang paghihiwalay ay nakabuntis daw itong si Senator Chiz Escudero? Nakakaloka!” sabi ni Mama Loi.
Sagot kaagad ni Ogie, “Naku, ganu’n ba ‘yun?”
Giit ni Mama Loi, “Kasi may nagsabing hindi raw kasi makabuo with Heart kaya yata sa iba, huh? Nakakaloka naman po ‘yang mga ganyang tanungan.”
Sabi naman ni Ogie, “Eh, kasi si Heart, hindi pa handang maging nanay daw. So, may mga ganu’n-ganu’n kasi gustong i-maintain ni Heart ang kanyang figure. May mga nababasa pa akong ganyang comment.”
Sa latest Tiktok video ng aktres ay narinig na kinakausap nito ang sarili sa salamin habang nagbibihis.
Say ni Mama Loi, “Sa Tiktok reel ni Heart, mayroon siya roon nabanggit tungkol sa hiding your sorrows with the shades.”
Sabi ni Heart habang nagbibihis at nakaharap sa salamin, “Sa'n na naman ang larga mo, Ganda?
“Okay, this is what we’re gonna wear.
“Shouldn’t think what other people say.
“Just dress however you want if it makes you feel good.
“Go for it, Darling. This is how it should be.
“All day everyday. Put on those shades to hide your sorrows. No, I’m just kidding. I’m not sad, charot. Just a little bit.
“But… anyway this is the look where we are going.
“We don’t know, you figure it out.
“But you are amazing. You all are!
“Kill it, kill it girl!”
“Ayun pala ‘yun,” sambit ni Ogie.
Dagdag pa nito, “Wala pang ibinibigay na official statement sina Heart at Chiz tungkol sa isyu."
Bukas din ang BULGAR tungkol sa isyung may nabuntis diumano si Senator Chiz.





Comments