Ano'ng meron, Heart? CHIZ, NAGPA-TATTOO NG KILAY
- BULGAR
- May 21, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 21, 2023

Nasundan ang New York trip nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na lumipad pa-Venice, Italy para dumalo sa La Biennale di Venezia na isang international art exhibition at kasali ang Pilipinas.
Recorded ni Heart ang mga ganap nila ni Chiz, pati ang pagbibigay ng speech ni Chiz sa opening ceremony sa Philippine pavilion.
Pati ang pagkain ng senador ng ice cream, kinunan ni Heart na ikinatuwa ng mga nagmamahal sa kanila. Ang mga ganu’ng eksena raw ng mag-asawa ang wala tuwing nagta-travel si Heart mag-isa o kung may kasama man, hindi si Chiz.
May mga nakapansin lang na bagong tattoo ang mga kilay ni Chiz kaya ang tanong ng mga netizens, si Heart daw ba ang nag-suggest nu'n? At bakit kinailangan pang magpa-tattoo ng kilay ni Chiz gayung wala namang mali rito?
Natutuwa ang mga netizens na makitang magkasama sina Chiz at Heart at sana raw, maulit. May nag-comment nga ng “Love to see you together.”
May comment naman na tiyak matatawa si Chiz dahil ang sabi, nagiging bagets siya tuwing magkatabi sila ni Heart.
May iba na ang suot ni Heart ang pinag-iinteresan, mula sa dress, shoes, bag at jewelry.
Gusto nilang malaman para gayahin nila at bilhin din para feeling Heart sila.
Naloloka lang ang mga ito kapag nalaman na kung magkano ang presyo ng bawat isinusuot ni Heart dahil ang mamahal.
Hindi na nga kailangang gumawa ng project ni Heart sa ngayon (TV man o pelikula), solve na ang fans niyang makita ang mga posts niya sa travel niya abroad, lalo na ‘pag dumadalo siya sa mga fashion week.





Comments